KABANATA 33

1.8K 34 0
                                    

Kristalyn

" anong ibig mong sabihin anak? anong fiancee? teka ipaliwanag mo nga ng mabuti para maintindihan ko yang sinasabi mo, paanong nagkaroon ka na ng fiancee ehh wala nga akong nababalitaan na may boyfriend ka tapos ngayon sasabihin mong may fiancee ka na? " naguguluhan pa ding tanong sa akin ni papa, tama nga naman siya wala nga naman akong pinakilalang boyfriend sa kanila noon tapos ngayon magdadala ako ng lalaki dito at sasabihin kong fiancee ko ito, natural nga lang naman siguro na maguluhan siya sa mga pinagsasabi ko ngayon.

" papa pasensya napo kung hindi ko man nasabi sa inyo agad ni mama na may boyfriend na ako, kasi naman ang daming nangyari nung nakaraan diba, na aksidente kayo, tapos naging busy din ako sa aking trabaho, sorry po talaga papa, kaya nga sumama na sila mommy dito dahil gusto nadin nila na mamanhikan at hingin ng pormal ang blessings ninyo para sa kasal namin ni kian. " mataman lang na nakatitig si papa sa akin habang nagpapaliwanag ako kaya hindi ko mapigilang kabahan sa ekspresyon ng mukha ni papa na nakikita ko ngayon dahil masyado kasi itong seryoso.

" sabihin mo nga sa amin kris, buntis ka ba? " sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko ang tanong na yun ni papa, akala ko handang handa na akong magsabi sa kanila ni mama pero bakit ganito nalang ang kabang nararamdaman ko nung tinanong ni papa kung buntis nga ba ako.

Naramdaman ko ang pagpisil ni kian sa kamay ko, kaya medyo kumalma ang puso ko na sobrang lakas sa pagtibok, hinanda ko nalang ang sarili ko upang magsabi sa kanila ni mama na nagdadalang tao na nga ako, sobra din ang pagdarasal ko na sana matanggap nila papa ang sitwasyon ko ngayon at hindi sila magagalit sa akin, dahil pananagutan naman ako ng ama ng anak ko.

" im sorry papa, patawarin niyo po ako, alam kong disappointed kayo sa akin ngayon pero wala na po akong magagawa, mahal ko po si kian at handa naman po niyang panagutan ang dinadala ko. " maluha maluhang sabi ko sa ama ko, at hindi nakaligtas sa akin ang pagtiim bagang ni papa, ngunit nanatili pa din naman siyang kalmado pero alam kong pinipigilan lang niyang sumabog ang galit niya.

" im sorry sir pero hindi po ako humihingi ng tawad dahil nabuntis ko si kris, dahil masaya po ako na dinadala niya ang anak ko, humihingi po ako ng kapatawaran kung ngayon lang kami nakapunta dito sa inyo upang magpakilala at pormal na hingin ang kamay ng anak niyo, mahal ko po si kris sir kaya sana mapatawad at matanggap niyo po kami. " dagdag ni kian sa sinabi ko nung hindi pa din nagsasalita si papa.

" ano pa nga bang magagawa ko kung nanjan na yan, basta iho ipangako mo lang sa akin na hindi mo sasaktan ang anak ko, kung hindi makakatikim ka ng taga sa akin. " sabi ni papa sa amin pagkatapos niyang bumuntong hininga ng napaka lalim.

" thank you papa, thank you so much. " sabi ko habang nakayakap ng mahigpit kay papa.

" salamat din anak, dahil alam kong marami ka ding sinakripisyo para sa aming pamilya mo, kaya kung saan ka masaya nandito lang kaming pamilya mo na susuporta sayo palagi, mahal na mahal ka namin kris yan ang lagi mong tatandaan. " madamdaming sabi ni papa pagkatapos ng yakapan namin.

" maraming salamat balae sa pagtanggap sa sitwasyon ng dalawa, at kami na ang humihingi ng tawad dahil nauna pang gumawa ng apo natin ang dalawang to kaysa sa kasal." Sabi ni mommy kay papa habang may malapad na ngiti sa mga labi nito.

" iba na talaga ang mga kabataan ngayon balae nauuna nang bumuo ng bata bago pa maisipang magpakasal. " sagot naman ni mama na sinang ayonan din nila mommy.

Kung alam lang nila ang totoo ewan ko nalang baka nga mahabol na talaga ni papa ng itak si kian, pero nag papasalamat pa din ako dahil sa kaalamang mahal din pala ako ni kian at hindi nalang pag papanggap ang namamagitan sa aming dalawa.

Pagkatapos nga ng drama naming mag ama ay pinag usapan na namin ang detalye at pagpaplano sa kasal namin ni kian, medju nahirapan din kami sa pag dedesisyon kung saan gaganapin ang kasal dahil gusto sana nila papa na dito sa probinsya pero sa huli ay napagpasyahang sa maynila pa din gaganapin ang kasal dahil mas maraming bisita sila kian na nasa maynila kaya pumayag nalang din sina papa.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon