Kristalyn
Habang sakay ako ng taxi ay halos sabunutan ko na ang sarili ko kaya tuloy hindi mapigilan ni manong driver na mapatingin sa akin, baka akalain na nga nito ni manong na baliw na ako sa ginagawa ko.
“ ok ka lang ba neng? Bakit parang sinasabunutan mo ata yang sarili mo jan?” tanong ni manong driver sa akin habang pasulyap sulyap pa siya sa rearview mirror ng taxi niya.
“ ok lang ako manong wag niyo nalang po akong pansinin. ” sagot ko naman sa kanya na tinanguan lang ako.
Ang totoo ay lutang talaga ang utak ko ngayon dahil sa nangyari sa amin ng gagong lalaking yun kagabi hindi ko talaga alam ang gagawin ko, pano nalang kong mabuntis ako oh boy! Wag naman sana dahil kakatayin talaga ako ng pamilya ko pag nangyari yun.
Hanggang sa huminto nalang ang taxi ay lutang pa din ang isip ko nagulat pa ako ng tawagin ako ni manong driver.
“ neng nandito na tayo. ” tawag ni manong sa akin na nakapagpabalik sa lumilipad kong diwa.
“ ok po manong ito pong bayad salamat po. ” sabi ko kay manong at bumaba na ako sa taxi pagkabalik niya ng sukli ko.
Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay ng tita ko dahil ayoko munang umuwi sa apartment namin ni elena dahil wala pa akong naiisip na paliwanag sa mga tanong niya alam kong bobombahin na naman ako ng tanong non kung saan ako nanggaling at alam ko ding nandon ang baklang si carlita sa apartment ngayon lalo pa at iniwan ko nalang sila bigla kagabi at naiwan ko pa ang bag ko sa bar at pati nadin ang phone ko, kaya kailangan ko pang mag isip ng magandang kasinungalingan para sa mga tanong nila.
“ ate kris? ” napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
“ hey! bry nanjan ba si tita? ” tanong ko sa pinsan ko na siyang tumawag sa pangalan ko.
“ oo nandon sa bahay, napadalaw ka ata? ” tanong ulit niya medju matagal na din kasi nung huli akong dumalaw dito sa kanila.
“ wala namiss ko lang kayo sobrang gulo kasi sa apartment ngayon nandon ang baklang maingay kaya dito na muna ako, tara sa bahay niyo namiss ko na din si tita.” sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya papunta sa bahay nila at nagpahila din naman siya.
“ titaaa! ” Sigaw ko kahit nasa labas palang kami ng bahay nila tita.
“ pwede ba ate wag ka ngang sumigaw ang ingay ingay mo talaga. ” sita ni bryan sa akin.
“ hayaan mo nga ako bry,ehh sa excited lang akong makita si tita ehh wag ka ngang kj batukan kita jan ehh. ” sabi ko sa kanya.
“ kris nakoo buti napadalaw ka ditong bata ka ang tagal mo ding hindi nagpakita ahh, ano kumusta ka na? ” salubong ni tita sa akin at niyakap ako kaya ginantihan ko din ang yakap niya dahil ito ang kailangan ko ngayon.
“ sorry tita huh kung di ako masyadong nakakadalaw dito busy kasi ako sa trabaho ehh kaya minsan nlang ako magkapanahon na pumasyal dito, asan nga po pala si james tita? ” tanong ko kay tita, si james ay nakakatandang kapatid ni bryan mas close kasi kami nun kaysa sa isang to na nasa tabi ko asot pusa kasi kami ni bryan.
“ umalis yun kanina may bibilhin lang daw saglit baka maya maya lang andito na yun. ” sagot ni tita sa akin
“ nag agahan ka na ba? Halika at saluhan mo na kami oh anjan na pala si james. ” aya ni tita sa akin.
“ james baby. ” tawag ko kay james sabay salubong ng yakap dito.
“ yaaahhh bat ngayon ka lang pumunta dito ha?! ” bulyaw nito sa akin kaya napabitaw ako dito at nakasimangot na humarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...