KABANATA 5

2.9K 43 0
                                    

Kristalyn

Mabilis akong naglalakad papasok sa building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko patay talaga ako nito late na ako, ngayon pa naman dadating yung presedente ng company nako baka ako pa tong masampulan na mapatalsik ngayong araw dahil sa pagkalate ko, dag dag pa mamaya ang sermon panigurado ng mga kaibigan ko dahil sa pag iwan ko sa kanila last friday night sa bar, ang swerte nga naman ng araw ko ngayon.

" gurl nako sa wakas nandito ka na bakit ka ba late? Gusto mo bang ikaw ang unang masampolan ni sir kian at unang mawalan ng trabaho dito sa department natin? Buti nalang talaga nandon pa sila sa planning department, ano ba kasing nangyari sayo? " bunganga ni elena sa akin umpisa palang yan marami pa mamaya lalo na pag ang bakla na ang kaharap ko, oh lord please help me, dahil baka sakalin na talaga ako ng baklang yun mamaya.

" si tita kasi di ako ginising kaya tuloy late na akong nagising tapos na abutan pa ako ng bwisit na traffic sa daan. " sabi ko kay elena

" uh-huh nandito na pala tong bruha na to akala ko pa naman mag go goodbye na kami sayo, ma swerte ka pa ding bruha ka dahil nasa kabilang department pa sila sir kian. " carlita

" ehh kasi- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang magsalita ulit ang bakla.

" hep hep wag ka munang magpaliwanag and just save your energy later dahil mahaba haba ang ipapaliwanag mo sa amin at humanda ka talaga dahil pag hindi ko magustuhan ang lalabas na paliwanag jan sa maganda mong bibig, masasabunutan talaga kitang bruha ka. " eto na nga bang sinasabi ko ehh, kailangan ko na talaga e practice tong speech ko mamaya at siguraduhing hindi nila mahahalata na nag sisinungaling ako dahil patay talaga ako sa mga to.

" tumahimik na kayo nandyan na sila sir kian. " saway ni sarah sa amin, nakayuko lang ako nang pumasok sila sir. Kian kuno sa loob ng office namin at habang pinapakilala na siya bilang presedente ng company sa buong staff ng department namin ay nakayuko lang ako at hindi na nag abalang tingnan kung sino man yang sir kian na yan busy ako sa pag iisip ng palusot ko sa mga kaibigan ko ehh pakialam ko sa sir kian na yan.

" bruha ka itaas mo yang mukha mo tinitingnan ka ni sir. " pabulong na sabi ni carlita sa akin napapitlag pa ako sa bigla nalang niyang pag siko sa akin, tinaas ko naman yung mukha ko na sana ay di ko nalang ginawa, napasinghap pa ako ng magtama ang mga mata naming dalawa, ang mga matang yan ang hindi ko makakalimutan sa lalaking to,ang lalaking kumuha sa pinaka iniingatan kong V, at di ko maiwasang kilabutan dahil sa ngiting sumilay sa mga labi ni sir kian kuno.

Sheeeteeeng naman talaga oh bakit siya??! Oh god anong gagawin ko ngayon sa lahat pa talaga ng pwedeng maging anak ng boss ko bakit siya pa,ang tanga tanga mo kasi kristalyn bakit ka kasi nagpakalasing nung gabing yun.

" small world isn't it miss? " tanong ni sir sa akin.

" ahh... Ahmmmm... Kristalyn Gizelle Yesan sir. " sabi ko habang yumuyuko ng bahgya dito.

" hmmm nice name well, See you around miss yesan. " sabi nito at naglakad na palabas ng office namin, bigla namang nanghina ang mga tuhod ko at pabagsak na naupo ako sa upuan ko.

Ngunit napa angat ang tingin ko sa mga kasamahan ko sa trabaho bigla nalang kasi silang tumahimik na sa sobrang tahimik ay naririnig ko na pati ang sobrang lakas na tibok ng puso ko, pag angat ko ng tingin sa mga kasama ko ay bakas sa mga mukha nila ang pag tataka yung iba naman ang sama ng tingin sa akin, problema nila, bat ganyan makatingin sa akin tong mga bruhang to.

" anong ibig sabihin nun bruha ka? Bakit ka kinausap ni papa kian huh? " nakataas ang isang kilay na tanong ng bakla sa akin.

" errr mamaya diba, ayaw naman siguro nating mawalan tayo ng trabaho, so work work muna ok? " sabi ko sa kanila habang may pilit na ngiti sa mga labi.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon