KABANATA 42

1.6K 24 0
                                    

Kristalyn

" tita! " tawag ko kay tita ng makita ko siyang lumabas ng bahay nila habang naglalakad ako papunta sa bahay nila.

" kris abay mabuti naman at napadalaw ka ulit dito kumusta ka nang bata ka at bakit ngayon ka lang ulit napadalaw dito? "

" ok lang ako tita, at sorry kung hindi ako nakadalaw dito ulit agad naging busy kasi ako at umuwi din kami sa probinsya nung nakaraang lingo lang ta. " sabi ko sa kanya matapos kong yumakap at humalik sa pisngi niya.

" oo nga at nasabi na sa akin ng mama mo na umuwi ka nga daw doon kasama ng mga mamanugangin mo at ng fiancee mo, totoo bang ikakasal ka na? " tanong ni tita sa akin.

" oo ta, nandito nga kami para ibigay ang invitation niyo, at nga pala ta si kian pala fiancee ko. " pakilala ko kay kian na nasa likod ko lang.

" babe si tita nga pala kapatid ni mama. " pakilala ko naman kay tita.

" hi po ma'am nice to meet you po, Kian Drake Sanchez nga po pala. " sabi ni kian at nilahad ang kamay kay tita.

" abay ang gwapo naman nitong mapapangasawa mo kris, hello din iho nako huwag mo na akong tawaging ma'am dahil hindi naman ako teacher, tita nalang ang itawag mo sa akin. " sabi ni tita kaya natawa naman kami ni kian dito.

" salamat po tita, ohh by the way heto nga po pala ang invitations niyo para sa wedding namin ni kris. " sabi ni kian at binigay kay tita ang mga invitations.

" nako salamat sa pag imbita ha kris at kian. " masayang sabi ni tita sa amin.

" si tita talaga walang anuman ta, ikaw paba hindi ka yata pwedeng mawala sa wedding day ko noh, nga pala ta nasan si james at bryan? " hindi na nasagot ni tita ang tanong ko ng may biglang sumigaw sa likuran namin

" baby!.. " napalingon ako sa taong sumigaw at bigla nalang nangyayakap ng makalapit ito sa akin.

" hey! Who the hell are you? why are you hugging my fiancee and calling her baby?" Napatingin ako kay kian na sobrang sama ng mukha habang nakatingin sa amin ni james.

" ohh! So it's true you're getting married baby? " tanong ni james sa akin na hindi man lang pinansin ang tanong ni kian sa kanya at ang sama ng tingin nito.

" yeah, by the way babe si james nga pala pinsan ko, james si kian fiancee ko. " pag papakilala ko sa kanilang dalawa.

" hey! I hope you'll take care of my baby. " sabi ni james sabay lahad ng kamay kay kian na nakakunot noo pa ding nakatingin kay james.

" ofcourse i will, you don't really need to tell me that. " sabi ni kian bago tinanggap ang kamay ni james na nakalahad sa kanya, wow ibang klase din magpakilala sa isat isa tong dalawang to ahh.

" that's good then, babe tara sa loob magmeryenda at may papakilala ako sayo. " sabi niya habang nakaakbay sa akin at iginiya ako papasok sa loob, buti nalang mabilis kong nahagip ang kamay ni kian bago pa kami makalayo ni james sa kanya kaya nakasunod lang din siya sa amin habang hila hila ko.

" teka nga james bitiwan mo muna ako para makapaglakad tayo ng maayos. " reklamo ko kay james kanina pa kasi hinihila ni kian ang kamay ko alam na alam kong nagseselos na naman tong lalaking to kahit pa alam na niyang pinsan ko si james.

" bakit babe nag seselos ba ang fiancee mo? " bulong sa akin ni james kaya siniko ko siya iinisin pa talaga niya ang kawawang lalaking sobrang haba na ng nguso na nakasunod lang sa amin.

" tumigil ka james, bitaw na dali bago ka pa masapak ng lalaking yan napaka mainitin pa naman ng ulo niyan. " sabi ko kay james habang kumakawala sa pagkakaakbay niya sa akin.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon