Chapter 1: Kapanganakan

1.1K 11 0
                                        

GOTHIC LOVE OF DARKNESS presents EOS

Copyright ⓒ JamilleFumah 2014, All rights reserved.

Ang kwentong magbubukas ng inyong isipan sa kakaibang mundo ng pagibig...

Eos Geryon Tan

Ang lalaking may itim na itim at magagandang mga mata na tila ba ikalulusaw ng mga titigan nito.

Sanggol pa lamang siya ay alam niya ng may kakaiba sa kaniya...

Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa, na isa sa mga araw na ito ay mapagbabago siya ng pagibig. Kung tunay mang may nag-e-exist sa ganoong pakiramdam sa mundong ito.

At ito ang buhay niya...

∞❁∞

SI SAB

"Lalaki ho ang anak niyo. Congratulations sir..." Bungad ng doktor. "Hintayin niyo na lamang ho sa nursery ang sanggol." Pagkuway umalis na ito.

Nawala ang lahat ng kaba na lumulukob sa kaniya dahil sa sinabi ng doktor. Lalaki ang unang anak nila ni Hani. Walang pagsidlan ang ligayang kaniyang nadarama sa mga oras na iyon. Gusto niyang pumunta na sa nursery subalit gusto niya din munang makita ang asawa at pasalamatan ito.

"Eos Geryon ang pangalan ng aking apo, Sab!"

Napalingon siya sa kabilang hallway. Ang Daddy ni Hani at may mga dala-dalang prutas at bulaklak.

"Youre the boss." Nakangiting sagot niya sa may edad na lalaki.

Magkaakbay silang tumungo sa nursery, sabik na makita ang bagong myembro ng pamilya.

✞ ✞ ✞ ✞

Matuling lumipas ang ilang taon...

SI HANI LEMON TAN

"Sab... " Marahang tawag niya sa asawang nanonood ng T.V sa sala.

 

TAKANG lumingon ang lalaki at tumayo. "Bakit namumutla ka?" Masuyo niyang hinawakan ang balikat ni Hani at hinagkan ito sa noo. Ang kaniyang minamahal na kabiyak.

Sa gesture na iyon ng asawa ay napapawi lahat ng mga nararamdaman niyang agam-agam. Ngumiti siya at yumakap kay Sab.

 

"Mahal... Kasi..." Hindi niya alam kung paano sasabihin ang kaniyang nakita. Takot na baka magdamdam ang asawa. Ayaw niya ng maungkat pa ang mga bagay na gusto na nilang kalimutan...

"Ano yun? " Ulit ng lalaki na tila ba sinasabing ayos lang kung ilalabas niya ang sinasaloob.

Lumunok siya muna bago ibinuka ang bibig. "Si Eos..." Nabibikig ang kaniyang lalamunan sa kaba.

"Bakit? What's wrong with our son?" Kunot noong tanong ng lalaki.

"I saw Eos..." bahagya ng nanginginig ang boses ng babae.

Taka pa din si Sab.

 

Alam niyang may bumabagabag sa kaniyang asawa kaya't hindi niya na ito hinintay na sumagot pa, sa halip ay siya na mismo ang naglakad papunta sa kwarto ng apat na taong gulang nilang anak na lalaki. Sumunod naman si Hani sa asawa.

Pagkapihit pa lamang ng seradura ng pinto ay naulinigan na nilang mag asawa ang tila malakas na hangin sa loob ng kwarto ng bata.

"Eos?" Mulagat si Sab sa natunghayan.

Nakatayo si Eos sa gitna ng kwarto. Seryoso ang maamo nitong mukha subalit ang mga mata nito ay nagdidingas na tila sa isang demonyo. Ang mga matang iyon na huli niya pang nakita sa kaniyang yumaong kuya Leandro!

"Anak?" Nilapitan niya ang bata at biglang niyakap.

Si Hani naman ay parang itinulos pa din sa bukana ng pinto.

Parang bangungot ang nakikita niya... matagal niya ng napapansin na tila may kakaiba sa kanilang anak subalit hindi niya na iyon binibigyan pa ng pansin. Si Eos na anak nila... hindi pwedeng manahin nito ang maitim na dugo ni Sab! Pero sa tuwing tititigan niya ang anak ay bumabalik ang nakaraan na gusto na talaga nilang kalimutang mag-asawa.

"Hani... Kumuha ka ng basang bimpo! Dali, mainit si Eos!" Tarantang utos ni Sab sa nakatayong babae.

Nang maihiga na nila si Eos sa kama nito ay nakatulog na din ang bata. Naiiyak na napayakap si Hani kay Sab.

PERO HINDI pa doon natatapos ang lahat. Dahil habang lumalaki ang kanilang anak ay mas nakikita na nila ang ilang pagkakaiba nito mula sa ibang kabataan sa edad nito.

Mainitin ang ulo ni Eos at palagi itong napapa-away sa mga kapwa-bata nito. Kapag naman kinakausap nila ang anak ay hindi naman ito sumasagot. Kahit subukan nila itong tanungin ay hindi din naman ito nagkwi-kwento... Lahat na ng pag-iintindi ay ibinigay nila sa anak subalit ganoon pa din ang ginagawa ng batang lalaki, wala talaga itong nakakasundong kamag-aral. Isa na din iyon sa mga dahilan kung bakit nililipat-lipat nila ito ng paaralan.

Pinagmasdan nila ang batang naglalaro sa kanilang hardin. Wala man lamang karea-reaksyon ang mukha nito habang hinihimas ang asong kalong-kalong nito. Ni hindi nila maunawaan kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito.

Bagamat naiintindihan ni Sab ang kalagayan ng anak. Pinagdaanan niya din nama na ng hirap na dinaranas ni Eos noong ka-edad niya ito. Pero iba pa din talaga ang kanilang anak...

UP NEXT... Binata na ang ating baby boy!

Sorry kinda boring ang first chap, pero kailangan iyon! I promise, ang mga susunod na chappy will be lovely! XOXO~

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now