x EOS x
NAPAPIKIT si Andrea kasabay nang pagdaloy ng ilang alaala...
[Flash back]
MAY dalawang nag-uusap sa Patio ng kanilang Mansion. Isang babae at isang lalaki... Iyon ang kaniyang mga magulang 'kuno'.
"WHAT now?" Boses noong babaeng nakasuot ng amerikanang kulang puti. Sa itsura nito ay naroon ang ka-istriktuhan. May edad na ito subalit pustoryosa pa rin.
Nagdadabog na naupo sa malaking sofang naroon ang kausap nitong may edad na ring lalaki. "Bakit mo kasi inampon-ampon pa ang babaeng iyan! Wala namang silbi!" Wika nito.
Nilapitan ito ng babaeng naka-amerikana. "Look, kung wala siya ay maari tayong paghinalaan ng mga tao." Kumumpas-kumpas pa ang dalawang kamay nito na tila ba talagang nagpa-paliwanag.
Inis na humalukipkip ang lalaki. Sa inasta nito ay nahaluan ng kalambutan ang brusko nitong itsura. "I hate that girl!" Angil nito sa babae.
"Who cares kung malaman nilang hindi tayo tunay na mag-asawa? Who cares kung malaman nilang you're a gay and I am a lesbian?"
"Fvck! Carlota! Hindi ko kayang kaladkarin sa kahihiyan ang pangalan ko!"
Gigil na dinuro nito ang lalaking nakaupo sa sofa. "I don't care Zeus! So?! Matagal ng patay ang mga magulang mo at nakuha mo na ang kumpanya niyo. Hindi ka nila itinakwil dahil pinalabas nating mag-asawa nga tayo. Nakuha na natin ang mga gusto natin, siguro pwede na tayong magpa-annul."
Doon na siya lumabas sa pinagtataguan niya upang awatin ang dalawang taong tumayong magulang niya.
"Mom... Dad..." Alam niyang siya ang pinagtatalunan ng dalawa.
Nginitian siya ng kaniyang Mommy Carlota. "So? Our lovely daughter."
Inis na nilingon siya ng Daddy Zeus niya. "Lovely? Eh bakit hindi siya nagustuhan ng anak ni Sab?! Aba, akalain mong mas pinili pa nong Eos na iyon ang isang dukha kesa sa kaniya!"
Napatungo siya pagkarinig sa pangalan ni Eos.
"Oh baby!" Niyakap siya ng kaniyang Mommy Carlota.
Gusto niyang humiwalay sa pagkakayakap nito sa kaniya. Kahit mabait sa kaniya ang tumayong Ina niya ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mandiri dito, lalo pa at naaalala niya minsan ang mga pang-aabuso nito sa kaniya. Alcoholic kasi ito at may pagka-sadista kapag nasa ilalim ng kapangyarihan ng alak.
"Oh Carlota! Tigilan mo nga iyan!" Si Daddy Zeus niya ang humila sa kaniyang Mommy palayo sa kaniya.
Inis na tinabig naman ni Carlota ang kamay ni Zeus. "She is pretty... Prettier kesa sa babaeng pinakasalan ng anak ng Sab Tan na iyon."
Umingos ang Daddy Zeus niya. "Pretty? Pero walang silbi! Kung alam ko lang na hindi natin mapapakinabangan ang batang iyan ay hindi ko na sana inampon pa iyan! Asang-asa pa naman ako na su-swetehin tayo because of her!"
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.