Chapter 22: Caught On Act

401 6 0
                                        

"Good luck sa pagpasok..." Nakangiting paalam ni Hani sa kaniyang manugang.

"Salamat po mommy..." Medyo excited na din si Usha sa kaniyang unang araw sa eskwela.

Palabas na siya ng main door ng mapansing wala ata si Eos?

"Si Eos po Mang Tonyo?" Tanong niya sa driver na naghihintay sa kaniya.

"Naku mam, hindi po sumasakay si Sir Eos sa van eh... May sarili po siyang kotse kapag pumapasok sa school." Paliwanag nito.

"Ha? Ganoon ba..." Nairita naman siya bigla kay Eos ng malamang iniwan na pala siya nito.

"Si Mam Kye po ba?" Tanong naman ng driver.

Sakto namang lumabas ng main door ang dalagita.

"Manong! Hindi po ako sasabay ngayon! Dadaanan ako ng mga friends ko eh." Maarteng sabi nito.

"Baka ma-late ka Kye?" Baling naman ni Usha sa dalagita.

Samatala pumasok na si Hani sa loob ng mansyon.

"Oh no! Iba ang sched ko sa sched mo noh!" Nakasimangot na sagot naman nito.

"Ah ganon ba... sayang akala ko pa naman sabay tayo." Malungkot na sabi niya.

"Kaya mo na iyan noh! Malaki ka na! Tyaka bawal ang tatanga-tanga doon! Kung ayaw mong pagtawanan ka, at mahalatang galing ka sa hirap ay ayusin mo ang pagda-dala sa sarili mo!" Pa-malditang sabi pa nito.

Hindi na dinamdam ni Usha ang tinuran ng kaniyang hipag. Sanay na siya sa katabilan ng dila nito.

"Salamat sa paalala Kye." Nakangiting sabi naman niya.

Sumakay na siya sa loob ng van.

Super excited na kasi siyang pumasok sa college, kaya naman kaya niyang palampasin ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa araw na iyon.

Humigit kumulang trenta minutos bago nila narating ang harap ng prestihiyosong Unibersidad.

"Wow!!!" Halos malaglag ang panga niya pagkakita sa kaniyang bagong school.

Ang kaniyang magiging pangalawang tahanan.

Mga nagta-tayugang building na ay malawak na daan papasok.

"Mam okay na ho ba kayo dito?" Pukaw sa kaniya ng driver na si Mang Tonyo. Ipinarada na nito sa harapan ng malaking gate ang van.

Nilingon niya ito at binigyan ng matamis na ngiti.

"Oo naman, yes na yes Mang Tonyo!"

Napangiti na din ang driver. "Naku Mam! Goodluck ho sa pagpasok niyo sa school!"

"Salamat ho! Good luck din ho sa pagda-drive niyo!" Nakangising sabi naman niya.

Nakipag-apir pa siya sa driver bago tuluyang pumasok sa malaking gate ng Eskwelahan.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now