Chapter 2: Si USHA

730 8 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw...

At ang mga araw ay naging buwan... At ang mga buwan ay naging taon...

TAONG 2002

Nakatayo ang isang babae sa harap ng isang lumang simbahan.

May kung anong pwersa ang humihila sa kaniya papasok sa loob noon subalit parang nakakadena ang kaniyang mga paa na hindi niya maihakbang papalapit. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay. May kakaibang damdamin na unti-unting lumukob sa kaniya.

Nagpasya siyang lisanin na lamang ang pook na iyon makalipas ang ilang minuto. Nagsimula na siyang maglakad sa mahabang kalsada palayo sa simbahan.

 

Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang kulay asul na simpleng bistida. Ang kaniyang mukha ay blangko at ang kaniyang tingin ay nakatutok sa malayo kaya't hindi niya napansin ang ang daan at muntik na siyang mahagip ng isang mabilis na motor.

Halos tumilapon ang lalaking nakasakay sa motor na iyon dahil sa pag-iwas sa kaniya.

 

Nahintatakutan naman ang dalaga ng makitang bumagsak sa di kalayuan ang lalaking naka-helmet pa din. Nagmamadali siyang lumapit sa lalaki upang tingnan ang sitwasyon nito.

 

Nasa malayo ang motor na kanina ay nilulunan nito at ang lalaki naman ay nakahiga sa gilid ng kalsada.

"Mister?" Tawag niya.

Subalit hindi pa din kumikilos ang lalaki.

 

Naka itim na jacket ito at itim na pantalon. Ang helmet nito ay kulay itim din gayon din ang gamit nitong motor sa di kalayuan.

 

Sa tantiya niya ay may kaya ang lalaki at isa itong matangkad na nilalang dahil sa haba ng katawan nitong nakabalandra sa kalsada.

'Hindi kaya nasaktan siya? marahil sapagkat napakalayo ng tinalsik niya.' Kabadong naisip niya.

Tatalikod na sana siya upang humingi ng tulong subalit biglang kumilos ang nakahigang lalaki.

Takang napatitig dito ang dalaga. Parang hindi nito ininda ang aksidente, parang balewalang tumayo ang matangkad na lalaki sa kaniyang harapan.

"A-ayos ka lang ba? Pasensya na..." Nabubulol niyang sabi dito.

Pero bigla siyang napa-tanga ng hubadin na nito ang suot-suot nitong itim na helmet. Natutop niya pa nga ang kaniyang bibig sa pagka-bigla. May ganito pa palang taong nag-e-esixt?! Sobrang guwapo nito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon!

Maliit lamang ang mukha ng lalaki at napakatangos ng ilong nito. Napaka istrikto ng dating lalo pa't seryoso ang mukha nito. Para bang mawawalan ka ng lakas sa tuwing tititigan ka ng sobrang itim na mga mata nito.

 

Bigla ang ragasa ng sandamakmak na kaba sa kaniya habang nakatingala sa matangkad na lalaki.

"Sorry..." Muli ay paumahin niya. Nakita niyang nagdudugo ang gilid ng mapupulang labi ni Pogi.

Pero nawala lahat ng paghanga niya dito nang magsalita na ito...

"Umalis ka sa daraanan ko..." Walang reaksyon ang mukha ng guwapong lalaki at saka basta na lamang siyang nilagpasan para puntahan ang nakahandusay nitong motor na nasa di kalayuan.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now