xxEOSxx
"WHY?" Nagtaka siya ng biglang tumigil sa paglalakad si Eos. Kunot ang noo nito habang gumagala ang paningin sa paligid.
Nasa mall sila niyon dahil sinamahan siya ni Eos bago ito pumasok sa opisina na bumili ng mga magazines para sa business niya. Malapit na sila sa lobby ng maging malikot ang paningin nito.
"Someone is following us." Madilim ang mukhang anito. "I can tell."
Ginaya niya ang ginagawa nito. Nilingap niya ang paligid nila, pero wala naman siyang napansing kahina-hinala. "Wala naman, napa-praning ka lang."
Masama ang tingin ni Eos ng muling bumaling sa kaniya. "You should be very careful Usha." Sermon nito.
"Careful? Kanino? Saan?" At umandar na naman ang pagiging paranoid ng asawa niya!
"Basta." Sumimangot ito. Nanghahaba ang pulang nguso.
Natukso tuloy siyang abutin ang mga labi nito para bigyan ng mabilis na halik. Nagulat naman ito sa ginawa niya. Napatitig ito sa kaniyang mukha habang ang mga mata ay nagtatanong.
Kinilig naman ang ilang nakakita sa kanila. May mga babae pa ngang dumaraan na parang biglang nainggit sa kaniya. Well, sanay naman na siyang madami talaga ang nagkaka-crush sa kaniyang husband dahil sa itsura nito!
"Sorry! Nakaka-temp kasi iyong ekspresyon ng mukha mo kanina." Nakangising saad niya.
Mula naman sa madilim nitong mukha ay dahan-dahan na ring ngumiti ang lalaki. Iyon nga lang ay tipid na ngiti pa din. Pero okay na kesa wala diba?
"Eos... Wag mo na akong alalahanin okay?" Kumapit siya sa matigas nitong bewang. "Ako pa ba?! Eh yakang-yaka ko ang sarili ko."
Hindi ito kumibo. Binaklas nito ang pagkaka-kapit niya sa bewang nito sabay hila sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito kesa makaladkad siya.
Susme! Ang haba ng biyas ni Eos noh! Kailangan niyang bilisan ang mga hakbang niya dahil ang bilis nitong maglakad. Nang makarating sila sa parking lot ng Mall ay saka lang siya nito binitawan.
"A-Ano bang problema?" Bigla na tuloy siyang kinabahan.
Kita niya ang titis ng apoy sa mga mata ng asawa niya. Narinig niya pa itong nagmura ng ilang ulit bago siya hinarap. Nakasandal siya ngayon sa kotse nito at ito naman ay nakapamewang sa kaniyang harapan. At dahil higit na matangkad si Eos sa kaniya ay nakatingala siya dito.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
