Chapter 4: Lusak

752 14 0
                                        

ALAM niyang labag sa loob ng binata na iangkas siya sa motor nito pero dahil sa kakulitan niya ay naihatid pa din siya nito.

Lihim niyang pinagmamasdan mula sa side mirror ng motor ang nagdadrive na lalaki. First time niyang umangkas sa ganoong kagarang motor na kahit saang anggulo tingnan ay batid niyang mamahalin ito. Para siyang prinsesang angkas ng isang gwapong prinsipe sa kaniyang kabayo.

"Dito na lang!" Napatili siya. Muntik na kasing lumampas dahil sa di niya napansin ang lugar. Busy kasi siya sa pangangarap.

Inihinto naman nito ang motor sa tabi ng palengke. Kahit naka helmet ay halatang nakasimangot ang binata.

 

"Salamat ha?" Ngumiti siya ng matamis. Praktisado ang ngiting iyon dahil alam niyang maganda siya pag ganoon ang ngiti niya.

Pero ni hindi man lamang siya tiningnan ng lalaki ,sa halip ay ini-start na nito ang motor at paharurot na pinasibad. Halos kumain ng alikabok ang dalaga pero wala siyang pakialam. Masyado na siyang nalulunod sa kakaibang damdaming lumulukob sa kaniya ngayon.

 

"Bye!" Kinawayan niya ang papalayong binata.

Nagpababa siya malapit sa palengke, doon kasi malapit ang lugar nila.

Tulad kanina wala pa ding reaksyon ang lalaki habang pinapatakbo ang motor niya. Nangingiti naman si Yusha, naku-kyutan talaga siya sa pagka seryoso ng mukha ng estrangherong lalaki.

"Wag ka mag alala magkikita pa tayo! Promise!" Nakangiting bulong niya sa hangin.

 

Iiling-iling na naglakad na lamang siya papasok sa eskinita ng palengke.

"He made my day..." Pakiramdam niya na-inlove na agad siya. Love at first sight ba?

Napahagikhik siya, para siyang baliw na tumatawang mag isa.

"Ang bango... Mukhang mayaman... At ang pogi...!" Nagtititili siya habang naglalakad. Pag napangasawa niya ang mokong na yun sure na ang kinabukasan niya!

 

"Siguradong wala pa siyang girlfriend! Sa sungit niyang iyon, malamang wala pa talaga! Ako pa lang pag nagkataon! Kaya kong tyagain ang ugali niya, saka maganda naman ako kaya hindi malabong magustuhan niya din ako!" kausap niya sa sarili.

 

"HOY! kinakausap mo na naman ang sarili mo!" Mula sa kung saan ay may sumulpot na lalaki. May dala itong basket at base sa itsura nito ay isa itong tindero. Iyon nga lamang ay bata pa ang lalaki at may itsura naman kaya't magdadalawang isip muna ang makakakita dito kung ito ba ay tindero talaga.

"Ano ba Kiko?! Ginulat mo naman ako eh!" Singhal niya dito. Kababata niya ito.

Tumawa ng malakas ang lalaki. "Para ka kasing bale na nagsasalita mag-isa."

 

Inirapan niya lamang ang kaibigan. "Mag aasawa na ako noh! Aalis na ako sa mabahong lugar na ito dahil mayaman ang mapapangasawa ko!" Pagtataray niya sa lalaki.

 

"Wow huh! Anong tinira mo? Naka drugs ka ba ha Bashang?" Nakakalokong tanong nito sa kaniya. Sinabayan siya nito sa paglalakad.

"Tse! Wala nga akong pangbili ng bigas! Drugs pa kaya?! Saka wag mo nga akong tawaging Bashang! Usha ang pangalan ko!" Inis na sagot niya sa kaibigan.

"Huwatttt? Usha kamo? Akala ko ba ayaw mo ng pangalan mong yun ha?"

"Eh gusto ko na ngayon... Saka mas sosyal yung pakinggan kesa sa Bashang ano!"

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now