Chapter 29: How Can He Be So Sweet

452 7 0
                                        

"KUYA, umiiyak kasi si Usha ng dumating siya..." Humarang na agad si Kye sa pagitan ng mga ito.

 

 

Pero hindi papatalo si Kiko. "Nakita kong umiiyak si Usha! Akala ko ba iingatan at aalagaan mo siya? Bakit mo pina-iiyak si Usha! Kung ganito lang din ang mangyayari ibalik mo na lang siya sa amin!"

Nagtagis naman ang mga ngipin ni Eos dahil sa mga sinabi ni Kiko.

Si Usha naman ay hindi na matagalan ang tagpong iyon...

Nahihiya siya sa kaniyang kababata.

Walang lingong-likod na tinakbo niya ang pagitan nila ng malaking front door.

Pakiramdam niya kasi ay hindi na siya makahinga.

"Usha!!!" Si Kiko naman na biglang naalarma.

Agad naman na humarang kay Kiko si Eos. "Away mag-asawa ito. At aayusin namin itong dalawa. Kaming dalawa lang!" May pagbabanta sa tinig nito.

Medyo nagdi-dilim na sa labas at mukhang bubuhos pa ang matinding ulan.

PERO BALEWALA iyon kay Eos...

Susundan niya ang kaniyang nagta-tampong asawa. 

Batid niyang nasaktan niya ang damdamin nito kanina...

 

 

"Kuya wag mo siyang sundan!" Awat ni Kye sa panganay na kapatid.

 

Pero isang matalim natingin lamang ang isinagot nito sa dalagita.

 

"Kuya!!!" Tili naman ni Kye na akmang hahabol pa.

 

"Pwede ba wag ka ng makialam!" Inis na hinila ni Kiko ang braso ng dalagita at ibinalya ito paupo sa sofang naroroon.

 

Tuluyan naman ng sinundan ni Eos ang nanakbong si Usha.

 

SI KYE

"YOU JERK!" Inis na muling tumayo si Kye at inundayan ng malakas na suntok ang binatang nagpa-upo sa kaniya.

 

Halos tumilapon si Kiko sa lakas ng suntok ng disi-sais anyos na dalagita.

Bigla ang pagkahilo ng pobreng binata nang maramdaman ang masaganang dugo na tumutulo mula sa sariling ilong at bibig nito.

 

"Shit ... B-bakit ang lakas mo?" Gumegewang-gewang pa si Kiko habang pinipilit ang sarili na makatayo.

Nabigla rin ang dalagita sa nagawa.

Tarantang nilapitan niya si Kiko.

 

"Oh my! Nabigla lang ako! I'm sorry..." Naiiyak na aalalayan niya sana ang binata pero nagulat siya nang tuluyan na itong bumagsak muli sa sahig.

 

Tuluyang nawalan na ng malay si Kiko. Bulagta ito sa marmol na sahig ng kanilang mansyon. Hindi naman malaman ng dalagita kung ano ang kaniyang gagawin.

 

"Oh my! Oh my! Hindi ka nila pwedeng makitang ganyan! Magagalit sa akin sina Daddy! Lagot ako!!!" Paikot-ikot siya sa nakahandusay na lalaki.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now