"So kumusta naman ang unang araw?" Si Eos ang unang bumasag ng katahimikan.
Kasalukuyan siya noong nagpupunas ng kaniyang basang buhok at nakaupo sa gilid ng kama.
Si Eos naman ay nakahiga na sa puwesto nito sa kabilang side ng higaan.
Ganoon naman sila palagi...
Pakiramdaman...
Panisan ng laway...
Actually siya pa nga itong palaging nag-uumpisa ng topic na mapag-uusapan nila. Himala naman ngayon at si Eos na ang naunang nagtanong.
"O-okay lang..."Sagot niya. Ayaw niyang i-kwento dito ang mga kahihiyang nagawa niya sa unang araw niya sa Campus.
"Really? Pero bakit parang hindi okay sa tono ng pananalita mo?" Tanong ulit nito.
Napatingin naman si Usha sa pwesto ng asawa. Sabagay, hindi talaga siya magaling mag-sinungaling.
"C'mon tell me..." Tumagilid pa ito paharap sa kaniya. "I want to know what happened to you sa unang araw mo sa Campus. Alam ko kasing interesante iyon." Walang emosyong sabi pa nito.
Medyo naasar naman siya sa pagkakasabi noon ni Eos. Ano bang iniisip nito? Na nagkalat siya? Malamang iyon nga ang nasa isip nito!
"Excuse me!" Inis na sagot niya. "Kung iniisip mong nagkalat ako ay nagkakamali ka!!!"
"Wala naman akong sinasabi ha?" Nakakalokong salag naman nito.
Matalim ang tinging ipinukol niya sa lalake. "For your information, may bago na akong kaibigan noh! At mabait pa! Saka mabilis akong nakapag adjust. Isa pa gusto ako ng mga kaklase ko!"
"Okay..." Matabang na sagot ni Eos.
Hinarap niya ang lalake. "Eh ikaw? Kamusta ang first day mo? Wala ka pa ding friends noh?" Pang-aasar niya dito.
"I don't need friends." Sagot naman nito.
Tatango-tango naman si Usha. "Okay... Pero ako? Ang dami ko na agad kaibigan! Mapa-girls at mapa boys!" Pagmamalaki niya.
"Boys?" Umasim naman ang pagmumukha ni Eos.
"Yes! Boys!" Taas noong sagot niya. "Hindi naman nila alam na may asawa na ako eh! Tiyaka ang ganda ko kaya? Kaya naman normal lang na may mga boys na lumapit sa akin para magpakilala... Pero siyempre, alam ko naman ang hangganan ng lahat ng iyon ano!"
Nakatingin lang sa kaniya si Eos.
"At alam mo ba? Ang ganda ng bago naming classroom! Tiyaka puro mayayaman ang mga kaklase ko! Mababait sila at gusto nila ako!"
Tahimik lang na nakikinig si Eos.
"Hay... grabe! Hindi ko akalaing hindi ako mahihirapan sa unang araw ko sa eskwelahan ng mayayaman! Kayang-kaya ko palang dalahin ang sarili ko!" Pagmamayabang niya pa. Kahit ang totoo ay nagsi-sinungaling na siya.
"Then good."
"Good talaga! And isa pa nga pala Eos..." Hirit pa niya. Ganado talaga kasi siyang pagyabangan ito ngayon. "May isang lalake doon na ubod ng sikat sa mga girls! Iyong si Tan! Gwapo iyon at pinagkakaguluhan talaga ng lahat!"
Doon naman napakunot ng noo si Eos.
"Alam mo ba? Kahit pinagkakaguluhan siya ng mga babae ay suplado pa din siya!" Kwento niya based sa pagkakalarawan ni Bree sa Tan na iyon. "Pero pagdating sa akin? Pinansin niya agad ako! At nakipagkilala pa!!!" Pagsi-sinungaling niya ulit.
Hindi niya napansin ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Eos. Hindi malaman kung matatawa ito o sisimangot dahil sa pagku-kwento niya tungkol doon sa Tan na iyon.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
