xEOSx
"ANDREA!"
"Ano ba?!" Agad niyang binuksan ang tarangkahan ng malaking gate. Alas nueve na ng gabi at papuslit siyang lumabas ng mansion. "Ano bang ginagawa mo dito? Paano mo nalamang dito na ako nakatira?" Sita niya sa lalaking nakatayo na sa harapan niya ngayon.
Nakakulay itim itong jacket at nakasombrelo ding kulay itim. May itsura ito, matangkad at mukha ring may sinabi sa buhay subalit halatang-halata ang pagiging bad boy nito. Nasa aura din nito ang pagiging spoiled brat at easy go lucky. Nasa di kalayuan naman nakaparada ang motor nito.
Hiniklas siya nito sa braso. "Bakit ka ba umiiwas sakin? Ano? Yumaman ka lang yumabang ka na huh?! Ginamit mo lang ako sabi ko na nga ba pakawala kang babae!"
PAK!
Gigil na sinampal niya ito. "Umalis ka na bago pa kita ipahuli sa pulis Kendo!"
Hindi ito natinag. Lalong bumalasik ang mga mata. "Tsk. Ang taas mo na din talaga ano?!"
"Hindi ako nagbibiro Kendo! Ipapakulong kita kapag hindi mo pa ako tinantanan! Sinabi ko na sa'yong tapos na tayo kaya tigilan mo na ako!" Tumingin siya sa paligid kung baka may nakakakita sa kanila. Hindi pwedeng malaman ng ate Usha niya na may pumuntang lalaki sa kaniya ngayon, dahil ang alam nito'y wala pa siyang boyfriend at hindi pa nagkakaroon kahit kailan. Isa pa, ang sbai niya dito'y kadarating niya lang ng Maynila.
"Sino bang ipinagmamalaki mo huh? Saka sino bang tumutulong sa'yo ngayon?! Iyong peke mong-"
"Tumahimik ka!" Bulyaw niya dito. Ipinagpag niya ang brasong hawak-hawak nito. Nagbabanta ang mga tingin niya sa lalaki.
"Hindi ako mananahimik Andrea. Hindi ako papayag na basta mo lang akong itapon na parang basura!"
Umilap ang mga mata ni Andrea. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano maita-taboy ang kaniyang ex. Agad na pumasok sa isip niya si Eos. "May boyfriend na ako... Magpapakasal na kami!"
Nagulat naman ang lalaki sa sinabi niya. Saglit lang ay halos magliyab na naman sa galit ang mga mata nito. "Hindi! Hindi ako papayag!"
"Kahit ayaw mo ay wala ka na din namang magagawa pa! Mayaman siya at makapangyarihan! Wala kang laban sa kaniya Kendo! At higit sa lahat, mas guwapo siya sa'yo!" Inis na tinalikuran niya na ito. "Sana ito na ang huling pagkikita natin Kendo! Umalis ka na!"
Pero bago pa siya makapasok pabalik sa kabahayan ay narinig niyang sumigaw si Kendo.
"Pwes sulitin mo na ang mga panahong kasama mo ang boyfriend mong iyan! Dahil sinasabi ko sa'yo Andrea, bilang na ang mga araw ng lalaking iyon sa mundong ito! At sa huli babalik ka din sa akin dahil AKIN KA! Wala pang babaeng nauunang mang-iwan sa isang Kendo Kim!"
SA SILID naman ni Usha ay hindi siya mapakali. Ano ba iyong sinasabi ni Eos na gagawin nila mamaya? Nae-excite siya pero kinakabahan. Marami talagang surpresa ang isang iyon, napailing siya sabay upo sa gilid ng kama. INi-ready niya na ang laptop niya at ipwinesto iyon sa ibabaw ng unan.
Pagsampa niya sa kama ay tumunog na ang kaniyang cellphone.
"Hello baby!" Maagap niya itong sinagot. No. 1 rule: Bawal itong paghintayin.
"I missed you." Buong-buo ang boses na sagot nito sa kaniya.
"Miss na din kita!" Naiimagine niya ang lungkot sa mga mata ni Eos. Oh ang kaniyang mahal na asawa, ang kaniyang baby... Ilang gabi niya na itong hindi katabi at miss na miss niya na ito.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.