@To All EOS Readers
NAKALUHOD siya sa harapan ng kulay puting lapida na kinalalagyan ng mga labi ni Carmelita Asuncion Lopez. Ang nanay niya...
Death anniversary nito ngayon.
"Nay... Sana kung nasaan ka man ay masaya ka." Matapos niyang ilapag ang dala-dalang bulaklak at sindihan ang puting kandila ay tumayo na siya.
May mainit na kamay na pumatong sa kaniyang balikat. Nagbigay iyon ng kapayapaan sa kaniyang sistema. "I will take care of Usha. Rest in peace mama Carmelita..." Saad ng baritonong tinig nito.
Nilingon niya ang lalaki.
His husband.
Eos...
Ngumiti siya dito at saka magka-hawak kamay na nilang nilisan ang lkugar na iyon. It's been three years mula ang trahedyang iyon.
Ang trahedyang bumawi sa buhay ng inay niya...
Ang nag-iisang kamag-anak na mayroon siya sa mundong ito.
Hindi man sila ganoong naging malapit ng inay niya ay minahal niya ito. Mahal na mahal niya ito, kahit pa sa mga huling sandali na lamang ng buhay nito siya naituring na anak.
Nang makasakay sila sa kotse ay nilingon niya ang kaniyang asawa.
Eos Geryon Tan. CEO ng isa sa mga tanyag at pinaka-mayamang kompanya sa Pilipinas. Naka-suot ito ng itim na polo at itim na slacks. Hindi na ito long hair subalit long back pa din ang makintab at bagsak nitong buhok na tila ba kay lambot kung hahaplusin.
Si Eos... Ang natitirang meron siya ngayon.
Ang lalaking napangasawa niya. Ang lalaking nagbigay sa kaniya ng katakot-takot na sama ng loob noon, at walang kahulilip na kaligayahan ngayon.
Nakatagilid ito sa kaniya dahil sa pagkaka-harap nito sa manubela ng sinasakyan nilang Camaro EU na nagkaka-halaga lang naman ng ilang milyong piso.
Nakakatuwa, isa lamang siyang dating mahirap pero ngayon ay halos isa na siyang donya sa piling ng kaniyang asawa.
Kahit pa yata mamigay siya ng pera oras-oras ay hindi niya makakayang ubusin ang pera ng pamilya nito. Napakayaman nila Eos, kahit mismong ang lalaki ay kumikita ng mahigit dalawam'pung milyong piso kada oras. Wala pa doon ang kinikita ng mismong kumpanya nito at ilan pang negosyo na nagkalat sa ibat-ibang parte ng mundo.
Ganoon siya ka-suwerte dito. Pero hindi naman iyon ang minahal niya sa lalaki.
Minahal niya ito bilang ang kaniyang 'Eos'. Ang toyoin, sumpungin at masungit niyang Eos...
Napangiti siya habang minamasdan ang nakatagilid nitong pigura. Sa kahit ano naman talagang anggulo ay napaka-guwapo nito. As in saksakan ng guwapo!
Iyong ka-guwapuhang hinding-hindi mo pagsa-sawaang titigan...
Iyong ka-guwapuhang pinapantasya ng mga kababaihan...
Exagerated? Oo ganoon siya kaguwapo! Exag!
Iyon nga lang, kasama sa package ang pagiging suplado ng kaniyang mister!
Okay lang, tubong-lugaw na din.
Nahaluan ng lungkot ang nadarama niya habang tinititigan ito.
Paano niya makakaya kapag nawala sa kaniya si Eos? Paano? Saan siya pupulutin?
"Bakit?" Takang tanong nito nang mapansing kanina niya pa ito pinagma-masdan.
Ngumiti siya ng tipid at saka umiling. "Bakit masama bang tingnan ang asawa ko?" Mahinang tanong niya.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
