Chapter 61: Threat

347 6 0
                                        

x EOS x

"SI USHA?" Tuloy-tuloy si Bree papasok sa Mansion ng mga Tan. Galing pa siya sa Airport niyon at nagpaalam lamang siya kay Wade na dideretso kina Usha para kamustahin ang kaibigan niya.

"Nasa kwarto niya." Ang nakasimangot na si Andrea ang nakasalubong niya sa hagdanan ng Mansion.

"Sige puntahan ko na lang siya?"

"Bakit?" Tinaasan siya nito ng kilay.

"A-Anong bakit? May sasabihin ako sa kaniya..."

"Ayaw niyang makipag-usap." Sinenyasan siya nitong umalis na.

"What?" Naguguluhan siya at nagtataka. Napaka-antipatika naman ng kapatid ng kaibigan niya.

"Anong what? Bingi ka ba? Saka bakit ka pupunta sa kwarto niya aber?"

"Bakit? Lagi ko namang ginagawa iyon ah..." Nagsisimula na rin siyang mainis dito. Dahil lang naman kay Usha kaya niya pinapakisamahan ang babaeng ito- na sa totoo lang ay hindi niya rin gusto. Ewan pero may something dito kay Andrea na para bang hindi siya mapalagay.

"Pwes hindi na ngayon." Sagot nito sa kaniya. Sa klase nang pakikipag-usap nito sa kaniya ay para bang matindi talaga ang issue nito sa kaniya.

Hindi na siya nakapagtimpi. "Teka lang Andrea... Ano bang problema mo ha?"

Inis na dinuro siya nito. "Ikaw. Ikaw ang problema ko! Umalis ka na kasi, nagpa-pahinga si Ate Usha!"

Napaatras siya sa pagsigaw nito sa kaniya. "Hindi kita maintindihan... Ayaw mo ba sakin?"

Taas-noo itong sumagot. "Yes. Hindi ka bagay maging kaibigan ng ate ko! You're a scheming gold digger!" Hiyaw nito na ikinapula ng mukha niya.

"Ano?!" Tinawag siya nitong 'gold digger'. Bakit? Dahil ba mahirap lang siya at si Wade na napangasawa niya ay isang super rich? At dahil din sa mayaman si Usha at kinakaibigan niya ito? Napailing siya. Parang gusto niyang maiyak sa sama ng loob. Iisa lang ang tumatawag sa kaniya ng 'gold digger' na tumatagos sa kaloob-looban niya... Iyon ay walang iba kundi ang dating bestfriend niya bago niya nakilala si Usha noong college siya - Walang iba kundi si Zamantha Meneses.

Itinulak siya nito sa balikat. "Umalis ka na nga lang!"

Hindi na siya umimik pa. Tinalikuran niya na si Andrea. Para walang gulo ay aalis na nga lang siya.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now