"Errrr! Patay gutom!" Palatak pa noong isang babaeng nasa likuran ni Zamantha.
Hindi naman niya malaman kung anong klaseng palusot ang sasabihin niya.
Nilapitan siya ni Zamantha at tinitigan ng masama.
"Bakit mo ininom ang kape ko? You sticky rat!" Nakasimangot ang magandang mukha ni Zamantha.
Sticky rat? Kahit pa 'rat' lang ang naiintindihan niya sa sinabi nito ay batid niyang masama ang ibig sabihin noon.
"Iniwan mo kasi eh..." Napapahiyang inabot ni Usha ang kape sa kaharap na si Zamantha. "I'm sorry... akala ko kasi hindi mo na babalikan..." Nakatungong sabi pa niya. "Nanghinayang lang naman kasi ako..."
Pero hindi tinanggap ni Zamantha ang ina-abot niya. "Inubos mo na! Ano pang gagawin ko diyan?!" Mataray na sagot nito.
Si Bree naman ay alanganin kung lalapit ba para tulungan siya o ano.
"Papalitan ko na lang..." Hiyang-hiya namang sabi ni Usha. "I'm sorry Zamatha, babayaran ko na lang kung gusto mo..."
Sumingit naman iyong isa pang babae. "Naku Zam pabayadan mo na nga lang iyan! Iyan eh kung may pangbayad iyang patay gutom na iyan!"
Doon na hindi nakatiis si Bree. "Huwag niyo naman siyang ganyanin! Hindi siya patay gutom! Nanghinayang lang siya sa kape! Hindi niyo kasi siya katulad na nagsa-sayang ng pagkain!" Dinipensahan siya ng kaniyang bagong kaibigan.
Tumawa naman ang mga kasama ni Zamantha. "Eh di sige bayadan mo na lang yang ninakaw mong kape!" Kay Usha ito nakatingin.
Si Usha naman...
Oo nga pala?! Bigla niyang naalala... hindi siya nagdala ng pera dahil sa nahihiya na din siya sa pamilya ni Eos.
Isa pa may baon naman siyang pagkain at may service pa, kaya naman hindi talaga siya nagdala ng pera maliban sa 50 pesos na laman ng kaniyang wallet!
Pakiramdam niya bigla siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan.
"180 pesos lang naman 'yang kape ko... Kahit hindi mo na bayaran pa." Naka-irap na sabi ni Zamatha na akmang tatalikod na pero pinigilan ito ni Bree.
"No! Babayaran ka ni Usha at doble pa sa halaga ng kapeng 'yan!" Matapang na sabi ni Bree. "Diba Usha?" Baling nito sa kaniya.
Nakahinga na sana siya ng maluwag dahil sa sinabi ni Zamantha, kaya lang sumingit pa si Bree.
"Ha ah eh..." Hindi niya tuloy malaman kung ano ang sasabihin.
"Sige na Usha." Tumabi na sa kaniya si Bree. "Bayadan mo na sila!" Binulungan pa siya nito. "Tig-iisang libo ang ilabas mo para mapahiya sila!"
"We're waiting!" Inip na sabi naman noong isa pa sa mga kaibigan ni Zamantha.
"Ano? Sabihin mo lang kung wala kang pang bayad!" Si Zamantha na para bang naiinip na din.
Wala sa loob na kinuha niya ang kaniyang maliit na wallet mula sa kaniyang bag. 'Diyos ko... sana may milagrong mangyari...' Piping panalangin niya.
Sinilip niya muna ang loob ng kaniyang pitaka at ganoon na lamang ang panlulumo niya ng makita ang laman noon.
Dalawang limang piso...
Dalawang bente...
At tatlong pisong luma...
Paano niya sasabihing wala siyang pera?!
Pero dahil nga sa humiling siya ng milgaro ay may nangyari ngang milagro!
Bigla na lamang nagkagulo ang mga estudyante sa labas.
"Si Tan!!!" Tumili pa ang isang babaeng estudyante.
"Si Tan!!! Waaa si Tan!!! Akala ko hindi siya papasok ngayong taon!!! WAAAA"
Doon naman nawala ang pansin nina Zamantha sa kaniya.
"Zam, si Tan." Sabi noong isa sa mga alipores nito.
Ganoon na lamang ang pagbabago ng aura ni Zamantha pagkarinig sa sinabi ng kaibigan nito. Mabilis pa sa alas kwatro na nagsilabasan sina Zamatha sa sliding door ng classroom.
"Ha?" Napaawang na lang ang mga labi niya dahil sa pagkakagulong iyon ng mga estudyante.
SINO BA IYONG PONCIO PILATONG PINAGKAKAGULUHAN NG LAHAT?
Ganoon na lamang ang pagkabigla niya ng pati si Bree ay lumabas na din ng classroom.
"Bree!!!" Sumunod din siya sa kumpulan ng mga estudyante.
Dahil matangkad din naman siya, ay medyo naaabot ng paningin niya ang pinagti-tinginan ng mga ito.
"Si Tannnn!!!" Tilian ng mga bading at mga babae.
"Waaa he's so yummy!!!" Tili pa ng mga ito.
YUMMY? Ano iyon pagkain?
At iyong tinutukoy nilang si Tan?
Sino ba siya???
Pero kung sino may iyon, ay iniligtas siya nito ngayon sa kahihiyang sana'y dadanasin niya pa sa kamay nila Zamantha at ng mga kaibigan nito!
Dali-dali na siyang tumakas habang busy pa ang lahat.
Hindi na din siya nakapag-paalam pa kay Bree na bago niyang kaibigan.
x x x
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.