Chapter 26: The M.V.P Heartthrob - A Third Party

372 7 0
                                        

"NANDITO na sila!" Nakasimangot na bulong niya kay Bree.

Nasa canteen na sila noon para kumain sana.

Mula sa malaking pintuan ng canteen ay pumasok ang tatlong babae na pare-parehong sa gawi nila nakatingin.

Sa pustura pa lang ng mga ito, ay masasabi ng hindi pumunta ang mga iyon doon para kumain.

Sa halip ay para makita lamang si Usha.

Buong klase ay iniirapan sila ng tropahang iyon ni Zamantha Meneses. Anyway, nabayadan niya na din pala ang utang niyang starbucks coffee dito.

"So ganoon kayaman ang babaeng iyan?" Nakangiwing sabi nong si Claudia Poon na isa sa mga alipores ni Zamantha.

"Oo...kalat na kalat ang kwento tungkol sa kayamanan daw niya! But hindi ako naniniwala anoh! Wala sa itsura!" Naka-simangot naman iyong si Ally Vernice.

Ah... Oo nga pala, si Bree ang nagkalat tungkol sa yaman ni Usha.

Bulungan iyon pero mukhang sadyang ipina-parinig sa lahat!

"I don't believe her!" Si Zamantha na pormal ang mukha.

Lalo namang sumama ang mukha ni Usha sa naririnig na bulungan.

"Duh..." Sabi pa nong isang babae na dilaw ang buhok. Iyong si Ally Vernice.

"Yeah sis!" At umirap pa ito sa gawi nila.

"Walang ka-Class class sa katawan! Basura!" Parinig pa ng mga ito. "Hey Zam and Ally, umalis na nga tayo dito! Masyado ng polluted ang lugar na ito!"

Sa mesa naman nila...

"Wag mo silang pansinin..." Nakangiting sabi ni Bree.

"Nakakainis na eh... Sino ba sila para ganyanin ako?!" Nakasimangot na sagot naman niya.

Napahagikhik naman si Bree. "Tapang mo talaga!"

"Ayoko lang ng nagpapa-api!"

"Tara na nga! Doon na nga lang tayo kumain sa labas..." Hinila na ng dalaga ang kamay niya.

Sumunod na lamang si Usha.

Mahirap na, at baka hindi siya makapagtimpi ay mapa-away pa siya ng wala sa oras.

Actually wala namang problema kung makikipag-away siya eh! Sanay na siya sa basagan ng mukha, wala siyang kinatatakutan...

Pero iba ngayon,

May pangalan na siyang iniingatan...

Pangalan ng kaniyang asawa, at pangalan ng mabubuting magulang nito.

Mamaya siguro kakalma na din siya.

Naroon siya para mag-aral, at hindi para makipag-away sa mga mayayamang estudyante.

Naupo sila sa may bakanteng bench sa labas ng canteen. Maigi na din iyon na makasagap siya ng sariwang hangin.

"Usha... sorry ha?"

Natigil naman si Usha sa pagsipsip ng kaniyang juice dahil sa pagsa-salita ni Bree. Napatingin siya sa kaharap na babae.

"Usha... ako kasi iyong nagkalat na sobrang yaman mo..." Simula nito habang nakatungo. "Ayoko lang kasi na lokohin ka pa nila..."

"Salamat Bree..." Sinsero niyang sabi dito.

Ngumiti na din ang dalaga. "Alam mo Usha... may ipagta-tapat ako saiyo..."

"Ha? ano 'yon Bree?" Nakita niyang sumeryoso na ang mukha ng kaharap.

"Hindi naman ako talaga mayaman katulad ng ibang estudyante sa Campus na ito..." Nahihiyang sabi nito. "Patawarin mo ako Usha... Nag-sinungaling ako sa iyo... Pero ayoko ng lokohin ka, dahil mabuti kang tao..."

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now