[ Near End ]
St. Louise University GYM.
"Oh looks who's here!" Biglang nahawi ang mga estudyante sa gym ng makita nila ang paparating.
Titig na titig ang lahat kay Eos.
Matangkad ito kaya kita agad kahit ng mga nasa bandang likuran ng kumpulan ng mga naroong estudyante. Lahat ay napatitig sa bagamat seryoso at walang kangiti-ngiti ay napaka-perpektong mukha ni Eos.
Hindi naman mapigilan ang pagpapa-cute ng mga estudyanteng babae na naroroon. Madami kasing tao ngayon sa gym para manood ng practice, malapit na din kasi ang laban ng St. Louise kaya suportado nila ang kanilang basketball team specially ang mga kababaihan na naroroon para mag cheer sa mga gwapong players.
Dahil nasa kalagitnaan ng practice ang team ni Wade ay hindi nila napansin ang pagdating ni Eos Geryon Tan.
"Anong ginagawa niya dito?" Bulungan ng mga kababaihang naroroon.
"Is he stalking me?" Kinikilig na sabi naman ng isang cute na dalagita sa tabi ng dadaanan ni Eos.
"Ambisyosa!" Hampas naman dito ng katabi nito.
Napansin naman ng coach ng basketball team ang biglang pagkakagulo ng mga estudyante sa entrance ng gym. Napakunot ang noo ng coach ng makita si Eos.
Ang lalaking kahit anong gawin niya ay hindi niya mapatungtong sa gym na iyon. Lumawak ang pagkakangiti niya pagkakita dito.
"Tan!" Biglang sigaw ng coach dahilan para mapatingin din ang mga players sa entrance ng gym.
Ganoon na lamang ang pagsa-salubong ng kilay ng MVP na si Wade Montero ng makilala ang dumating.
EOS
Tuloy-tuloy naman si Eos papasok sa gitna ng gym. Wala siyang pakialam kung nakaka-istorbo na siya sa larong iyon.
"Mr. Tan! Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Masayang salubong ng coach kay Eos. "Or dininig na ba ng langit ang panalangin kong tanggapin mo ang aking alok na maging bahagi ka ng aking team?" Matagal na kasing sinusuyo ng coach ng basketball team si Eos na sumali sa kanila, nakikitaan niya kasi ng malakas na istamina ang lalaki at magandang pangangatawan. Higit pa doon ay sa tingin niya ay malaki ang magiging pakinabang ng team kay Eos dahil sa taglay nitong katangkaran.
Pero hindi iyon pinansin ni Eos. Sa halip ay dire-diretso ang kaniyang tingin sa isa sa mga player na naroroon.
None other than Wade Montero. The MVP heartthrob of St. Louise University.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
