CHAPT Dedicated to Miss Ayan, Hehe 'yan na po :)
"Oh kumusta naman ang unang araw?" Nakangiting tanong ni Hani sa kanila.
Nasa harapan na sila ng hapag-kainan noon at kumakain ng dinner.
Iyon nga lamang ay wala pa si Eos.
"Okay naman mom!" Si Kye ang maarteng sumagot sa pagitan ng pagsubo.
"Okay lang po..." Nakatungong sagot din ni Usha. Siyempre hindi okay noh?Pero ayaw niya ng pag-alalahanin pa ang kaniyang mga butihing biyenan.
"That's good to know." Si Sab na nagsalita na din. "Nasaan nga pala si Eos?" Tanong nito.
"Mahal, baka na-traffic lang iyon..." Si Hani ang sumagot sa katanungan ng kaniyang asawa.
Hindi naman kumbinsido si Sab. "Naku iyang batang iyan... wag niyang sabihing unang araw pa lamang sa eskwela ay magloloko na siya? Tsk..."
"Daddy! Parang hindi ka pa nasanay kay kuya! May sariling mundo iyon eh!" Sabat naman ni Kye.
Bumaling naman si Sab sa nakatungong si Usha. "Hindi ba kayo nagkita ni Eos sa Campus?" Tanong nito sa babae.
"Po?" Napataas ang tingin niya sa kaniyang biyenang lalake. "H-hindi po daddy..." Sagot niya.
"Nandito na ako..." Boses ni Eos.
Sabay-sabay pa silang napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Si Eos na kararating lang.
"Oh anak? Kumain ka muna..." Si Hani na unang pumansin dito.
Pero hindi iyon ang napuna ni Sab sa itsura ng kaniyang panganay na anak. "Hey young man? Bakit hindi ka nakasuot ng uniform?" Salubong ang kilay na tanong nito.
"Parang hindi ka pa nasanay diyan dad!" Nakaingos na sabat na naman ni Kye.
"Kye!" Saway ni Hani sa kanilang bunso.
"Kung itatanong niyo kung galing talaga ako sa school ay, the answer is yes. Nothing to worry about dad, mom. So if you'll excuse me." Sagot ng lalake at tinungo na nito ang papunta sa hagdanan.
"Hijo kumain ka muna?" Habol naman ni Hani sa anak.
"Busog po ako mom..." At nagpatuloy na ito sa paglalakad palayo sa kanila.
"Hay naku 'yang batang 'yan..." Iiling-iling na lamang si Sab.
"Mahal... pagod lang siguro ang anak natin..." Si Hani na hinagod ang likod ng kaniyang asawa.
SI USHA naman ay hindi mapalagay sa kaniyang upuan. Ni hindi man lamang kasi siya pinansin ng kaniyang magaling na asawa! Isa pa may kasalanan din ito sa kaniya, hindi ba't hindi siya nito hinintay kanina sa pagpasok?
"Ah mom, dad... susunod na po sana ako kay Eos?" Paalam niya.
Napatingin naman sa kaniya ang mag-asawa.
"O sige... pero busog ka na ba hija?" Si Hani ang sumagot.
Kiming ngiti naman ang isinukli ng dalaga sa kaniyang mabubuting biyenan.
Nginitian niya din ang kaniyang hipag na moody, at tyaka tumayo para tumungo na din sa hagdanan ng malaking kabahayan.
Umakyat na siya sa second floor at tinungo ang kanilang kwarto ni Eos.
Hindi nga siya nagkamali...
Nakahiga na si Eos sa kanilang kama.
Nakadipa ito at nakapikit na din.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.