CHAPTER DEDICATED SA LAHAT NG TUMANGKILIK SA ASAWA NATING LAHAT :)
●♥●
NAKASUOT siya ng kulay dilaw na bestida habang nakatayo sa harapan ng life sized mirror sa kanilang silid.
"AKO si Mrs. Jerusha Lopez Tan!" Malawak ang ngiting wika niya sa harapan ng salamin.
Tinitigan niyang muli ang sariling repleksyon sa salamin. "Ako lang naman ang ma-swerteng babaeng pinakasalan ng heartthrob na si Eos Geryon Tan." Nakangising kausap niyang muli sa sarili.
Para lamang siyang baliw na nagsa-salitang mag-isa. Eh ano ngayon? Eh sa tunay namang nabaliw na siya mula pa nang mahalin din siya ni Eos. Kahit sino naman yata ay mababaliw sa lalaking iyon!
Sobrang guwapo! Ang kinis ng balat! Ang bango! Ang porma kahit pa effortless iyon sa araw-araw! Kahit pa nga yata gusot-gusot ang isuot ng asawa niya ay pwede pa din itong pang ramp model!
At higit sa lahat ng assets nito ay ang... 'killer eyes'!
Doon siya unang tinamaan eh! Iyong tingin pa lang, ulam na!
May talent kaya ang mga mata ni Eos! Iyong pag tiningnan ka ay hihimatayin ka na agad sa kilig.
Kaya heto, palagi siyang kabado. Eh kasi naman, kahit alam na yata ng buong mundo na 'taken' na ito ay madami pa ding nagpapa-cute na girls dito.
Pero anyway, mapapagod lang sila sa pagpapa-cute.
Dahil isa lang naman ang cute sa mga mata ni Eos eh! Walang iba kung hindi siya.
Bumaling ang maamo niyang mukha sa kwadradong frame na nakasabit sa dingding ng silid. Ang litrato ng kanilang kasal ni Eos.
Ngiting-ngiti siya doon samantalang ang kaniyang asawa naman ay blangko ang ekspresyon ng mukha.
Bahagya siyang napa-simangot. "Ang aking saksakan ng pogi pero super tahimik na asawa! Iyon bang panis palagi ang aking laway!" Napahagikhik pa siya.
Humakbang siya palapit sa frame. "Pero kahit ganoon siya... Mahal na mahal ko siya."
Itinaas niya ang isa niyang kamay para haplusin ang larawan nila. Unti-unting lumamlam ang kaniyang mga mata na tila ba nais nang maiyak... ngunit iyon ay luha nang kaligayahan. "Kasi siya lang naman ang daddy ng aking magiging babies!" Maramdaming saad niya.
Muli siyang napangiti sabay haplos ng isa naman niyang kamay sa kaniyang impis pang puson. "Babies? Oh yes, babies!"
PINAMEWANGAN niya ito nang maabutan niya itong nakahiga sa sofa nila sa sala. "Anong ginagawa mo?"
Gumuhit ang takot sa guwapong mukha ng lalaki. Naka T-shirt itong puti at saka pajamang kulay abo. Simple pero yummy!
"Diba sabi ko maghanap ka ng kamote? Bakit natutulog ka dito?!" Angil niya pa sa asawa. "Naglilihi ako sa kamote! Humanap ka ng kamoteee!!!"
"Baka kasi... Magmukhang kamote ang mga baby natin..." Napalunok pa ito. "Araw-araw na lang na kamote ang kinakain mo..." Mailap ang mga mata nito.
Lalo namang umusok ang ilong niya sa inis. "Anong sabi mo?! Aba't sumasagot ka na huh?!" Dinuro-duro niya ang mukha nito.
"W-Wala! I mean, wala pa kasi iyong kotse ko..." Nauutal na sagot nito sa napaka-hinang boses. " Hiniram ni Mang Tonio. Nasa talyer pa din ang motor ko..." Dagdag nito.

YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.