x EOS x
[NEAR END]
PINAGTITINGINAN sila ng mga tao nang harangin sila ng isang nurse.
"SIR..."
"What?" Iritableng tanong ni Eos dito.
Napakamot naman sa ulo ang nurse. "Lalabas na po ba kayo? Kailangan niyo munang pumirma sa-"
Kinurot niya sa braso si Eos kaya ibinaba muna siya nito. "Sige na... Hihintayin kita rito..." Aniya.
"P-Pero..." Atubili pa ito.
Pinagtulakan niya na si Eos para sumama sa nurse. Nahihilo kasi siya sa pabango nito. "Sige na."
"I'll be back! You stay here okay?!" Salubong ang kilay na utos nito. "Hindi ako magtatagal."
Nang mawala na sa paningin niya si Eos at ang nurse ay paika-ika siyang naupo sa naroong hilera ng mga upuan.
Wala pang ilang minuto nang makarinig siya ng pagsitsit.
Napatayo si Usha at napatingin sa pinto ng fire exit na kaharap lang ng inuupuan niya.
"Jerusha..."
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang lalaking naka-all black at naka-cup. May bangas pa ang mukha nito at bahagya pang namumutla. "Ke-"
Napatayo siya sabay lapit dito. Kapag nakita ito ni Eos ay malilintikan ito sa asawa niya! Akmang magsasalita na siya para paalisin ito nang bigla siya nitong higitin sa kaniyang kamay papasok sa fire exit.
"Ke-" Hindi na siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
Ang sumunod niyang natandaan niya ay ang mabahong amoy na nagmumula sa panyong ipinangtakip ni Kendo sa mukha niya.
Umangat sa lupa ang katawan niya na tanda ng pagpangko nito sa kaniya.
Bago pa siya tuluyang kainin ng dilim ay narinig niya pa ang utos nito sa kung kanino.
"SUV dali!" Boses iyon ni Kendo.
"Areglado boss!" Boses na hindi pamilyar sa kaniya.
ASAR NA IBINAGSAK ni Eos ang ball pen sa mahabang mesa. "Can we leave now?!"
"Sir sukli niyo-"
"Take it!" Inis na sagot niya rito. Sumasakit na rin ang ulo niya sa pinaghalo-halong amoy ng mga gamot sa Hospital na iyon, ni hindi niya na maamoy ang amoy ni Usha. Saglit palang ay nag-aalala na siya rito.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomansaNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
