Hindi natuloy ang Hongkong honeymoon nila... Paano masyadong paimportante ang napangasawa niya.
Kahit naiinis si Usha ay masaya pa din naman siya,.
Atleast ngayon ay legal na silang mag-asawa ni Eos.
Siya na ngayon si Mrs. Jerusha Lopez Tan.
At hindi lang yun... papag-aralin daw siya ng kaniyang byenan! Sa isang malaking university! Halos malusaw ang puso niya sa tuwa.
Ibinalita niya agad yun sa nanay niya pero mukhang mas excited pa ang nanay niya sa pagpunta nito sa Boracay kasama ang mga kaibigan nito.
Okay lang... pakonswelo niya sa sarili.
Mag-uumpisa na din ang buhay na pinapangarap niya. May bonus pa! Doon daw siya mag-aaral sa pinag-aaralan na university ni Eos! Mababantayan niya na ang kaniyang supladong Mister!
Kinabukasan...
"Ginusto talaga namin ni Sab na doon ka sa school na yon. "
"First time kong pumasok sa isang maganda at mamahaling university mommy..." Nakangiting sabi niya sa babae.
Natawa naman si Hani sa tinuran ng manugang. "Ikaw talaga..."
"Totoo naman po. Ang totoo kahit kailan naman ay hindi pa ako nakakapasok sa kahit saang mamahaling school. Hanggang highschool lang po talaga ako..."
"Kahit kailan ay hindi magiging huli ang pag-aaral kahit ano pa ang edad ng isang tao. Isa pa bata ka pa naman." Nakangiting sabi ni Hani. Tumayo siya para magpaalam.
"Sige na Usha ayusin mo na ang mga gamit mo ha? Andiyan na ata si Sab. Ipaghahanda ko pa kasi siya ng dinner."
"Sige po salamat po ulit."
Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang palabas na babae.
Napakabait talaga sa kaniya ng mga in-laws niya. Nakadipang inihiga niya ang sarili sa kanilang malawak na kama ni Eos.
"Di ako makapaniwala na mag-aaral na ako!!! Eeeeee!!!" Di niya napigilang magtititili.
Bigla naman ang bukas ng pinto.
"Hey what happened?!" Gulat at may pag-aalalang tanong ni Eos.
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
Napahiya naman si Usha pero napangiti na din siya ng makita ang asawa.
"H-Hi..." Tumayo siya sa kama at nilapitan ang lalaki.
"Bakit ka ba nagsi-sigaw?" Inis na pumasok na ng tuluyan si Eos sa kanilang kwarto.
"Ah...wala. Hehe na excite lang po ako." Dinampot niya ang kaniyang school uniform na nakalatag sa isang bahagi ng kanilang kama.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
