Chapter 7: My Knight

510 7 0
                                        

MAGKASAMA silang naglakad papunta sa looban, panay ang sulyap ng dalaga sa kaniyang katabi.

Hindi niya maiwasang kiligin dahil sa pagkakalapit nilang iyon.

Sa buong buhay niya ay kinaiinisan niya ang pagiging makipot ng eskinitang papasok sa lugar nila. Pero sa mga oras na iyon ay gusto niyang ipag-pasalamat ang kasikipan ng daanan dahil halos magkadikit na sila ng binata. Amoy na amoy niya tuloy ang mabangong pabango nito na halata namang mamahalin. Isa pa, gusto niya din ang natural na amoy nitong humahalo sa cologne nito.

"Malayo pa ba?" tanong nito.

"Relax! Malapit na. Alam mo kasi hindi tayo basta-basta makakahingi ng tubig kung kanino man, dahil de-poso kami lahat dito kaya importante ang bawat patak ng tubig." paliwanag niya.

 

Sumunod na lamang din ang binata.

EOS

HABANG PINAGMAMASDAN NIYA ang dalaga ay di maiwasang makaramdam siya ng kakaibang damdamin. Hindi siya kailanman nagkaroon ng paghanga sa kahit kaninong babae pero hindi niya maipaliwanag kung bakit napakalaki ng atraksyon na nadarama niya para kay Usha.

Sa totoo lang matapos niya itong ihatid kahapon ay hindi na nawala sa kaniyang isipan ang masayahin nitong mukha. Ayaw niyang yumabong pa ang umuusbong na damdaming iyon... hindi niya din alam kung bakit ayaw niyang ma-involve kahit na kanino.

"Dito na ang bahay namin!" Nakangiting lumingon sa kaniya ang dalaga. Sinenyasan siya nitong maghintay muna bago ay tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob ng barong-barong.

 

Nanatili siyang nakatayo at naghihintay sa muling paglabas ng dalaga.

Habang hinihintay niya ito ay iginala niya ang paningin sa paligid.

May kabahuan ang lugar lalo na ang sa may bandang mga kanal-kanal. Ang bahay din na tinitirahan ng dalaga ay hindi niya maiwasang pagmasdan. Simple lamang iyon at ang dingding ay gawa sa pinagpatong-patong na tabla at kalahati lamang ang simento. Napailing ang binata, hindi niya lubos maisip kung paano nakakatiis sa ganoong uri ng pamumuhay si Usha, hindi ito bagay sa ganoong klaseng lugar.

USHA

SAMANTALA ANG DALAGA naman ay nagulat sa napasukan niya sa loob ng kanilang maliit na tahanan.

Nakatayo ang nanay niya kasama ang isang pamilyar na lalaki at higit pa doon ang ipinanlaki ng kaniyang mga mata.

Kitang-kita niya ng tumatanggap ng pera ang babae mula sa lalaking kausap nito.

Si Diego iyon! Ang may ari ng club na gustong pagbentahan sa kaniya ng kaniyang ina.

 

"Nay!" Nabigla niyang sigaw.

 

Ngumisi naman ang dalawa ng makitang dumating na pala siya.

"Nariyan na pala ang aking next club star!" Parang demonyong pinasadahan pa siya ng tingin ng lalaking nagngangalang Diego. Mistulan siya nitong hinuhubaran sa klase ng pagkakatitig nito sa kaniyang kabuuhan.

"Anak nariyan ka na pala." Ngumiti ang babae. Ngayon lamang siya nito tinawag na anak kaya't alam na agad ng dalaga na may kailangan ito sa kaniya.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now