Mga PINAKAMAMAHAL, pls wag kayong ma-shock sa kabanatang ito. Alam naman nating lahat na si Fafa E. ay naiiba sa lahat :)
@abbott651 at sa iba pang tumatangkilik sa aking asawa... asawa nating lahat haha. :D
xxx
SA MANSION...
SI KYE
"May bisita ho..." Ani ng kasambahay.
Kadarating lang nina Eos noon at kakaakyat lamang sa kwarto ng mga ito, at tila may tampuhan pa nga ang dalawa.
Napataas naman ang kilay ng dalagitang si Kye. Paakyat na sana siya ng kaniyang kwarto noon ng bigla siyang kausapin ng kanilang katulong. Kagagaling niya lamang sa school.
"Sino?" Mataray niyang tanong.
"Iyon hong kaibigan ni Mam Usha... Iyon hong gwapong binata..." Nakatungong sagot naman nito sa kaniya.
Ganoon na lamang ang pagliwanag ng mukha niya ng malaman kung sino ang kanilang bisita. "Let him in." Utos niya.
Agad namang sumunod ang kaniyang inutusan.
Mabilis naman niyang sinuklay ng kaniyang mga daliri ang may kaiksian niyang buhok. Na-miss niya na ang mahirap na binatang iyon. Napatingin pa siya sa gawi ng kanilang hagdanan. Ipinapanalangin niya na 'wag muna sanang bumaba ang kaniyang kuya at hipag.
Maya-maya lamang ay nakita niya ng papasok sa malaking pintuan nila ang binatang si Kiko.
Hindi niya maiwasang mapangiti ng makitang naka gel ang buhok ng parating na lalaki. Ito kasi ang unang beses na nakita niya itong nag effort para sa may pagka long back nitong buhok.
[ Ang parteng ito ay makikita din sa Book ng KYE THE LAST PRINCESS ]
Simpleng asul na T-Shirt lamang ang suot nito at isang kupasing pantalong maong. Sa pang-ibaba naman nito ay isang lumang itim na rubbershoes na halata namang hindi branded. Gayon pa man ay gwapo pa din ito...
Simple lamang si Kiko pero kahit paano ay may laban naman ito sa pa-pogian sa kaniyang kuya Eos!
"Good afternoon..." Magalang na bati nito sa kaniya.
"Good afternoon!" Mataray niyang sagot dito. Ayaw niya pa kasing tuluyang maging mabait sa binata sa hindi naman niya mai-paliwanag na dahilan.
"Nandiyan ba si Usha?" Bigla'y tanong ni Kiko.
Doon na lalong napa-simangot ang dalagita. Akala pa naman niya ay siya ang sadya ng binata, iyon pala ay ang kaniyang hipag pa din!
"Wala siya dito kaya umalis ka na!" Halos sigaw niya dito.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
