@chia2x , hehe marami na raw pong pipikot. Pipila na lang tayu :D
xEOSx
"AY kalabaw!" Muntik na siyang mapaupo sa semento dahil sa pagka-out of balance niya. Hindi niya napansing may tao pala sa kaniyang harapan at ngayon ay nakabanggaan niya na. Sa kagustuhan niyang umiwas ay natapilok si Usha.
"Hey watch out." Maagap naman siyang inalalayan nito.
"Sorry, hindi ko kasi nakita na may tao..."
Isang lalaki na tantiya niya ay kasing height ni Eos ang kaniyang nakabangga. Mestizo ito at may pagka rugged pumorma pero mukha namang may sinabi sa buhay.
"Okay lang, kasalanan ko rin." Nakangiting wika nito. Ang mata nito ay nakapako sa mukha niya na labis niyang ikina-ilang.
Umatras siya. Pasimple niya ding hinila ang braso niyang hawak-hawak pa nito. "Ah, sige... Sorry ulit. Bye." Hindi siya pwedeng makipag-usap ng ganoon kalapit sa isang lalaki! Diyos ko! Kung makita sila ni Eos ay malamang na manghihiram agad ng mukha sa aso ang lalaking ito!
Medyo matagal-tagal na din siyang hindi nagkaka-usap ng kung sinong lalaki. Maliban siguro kina Kiko at Wade. Hindi naman sa pinagba-bawalan siya ng asawa niya, kundi dahil lang sa gusto niya din. Ayaw niya lang bigyan ng dahilan ang kaniyang mister na magselos.
Ku! Ano bang meron sa araw na ito maliban sa rehearsal nina Bree at Wade ngayon ng kasal ng mga ito?! Sa susunod na linggo na kasi ang wedding ng dalawa.
Mabilis ang mga lakad niya patungo sa parking lot kung saan naghihintay na ang kaniyang kaibigan. Sasama kasi siya sa simbahan kaya maaga silang nagsara ng kanilang boutique.
"Ah wait! Miss!" Nagulat siya ng humabol sa kaniya ang estrangherong lalaki. At dahil mahahaba ang biyas nito ay naabutan siya kaagad.
"H-Ha?" Takang napalingon siya. Ano bang kailangan nito?
"I'm Kim."
"Ha?" Napatitig siya sa palad nitong nakalahad sa kaniya. Sila lamang ang tao sa parking lot kaya lalo siyang kinabahan na baka may ibang makakita sa kanila.
Ngumiti ito. A boyishly smile. "Kung okay lang sana sa'yo na malaman ko ang pangalan mo?"
"Ah... Ano kasi..." May asawa na ako at seloso iyon! Sasabihin niya sana dito pero iba na lang ang sinabi niya. "I'm Jerusha. Sige bye." Akmang tatalikod na siya ulit ng marinig itong nagsalita muli.
"Nice name... Jerusha."
"S-salamat. Sige." Nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Bree. Hindi niya kasi dinala ang kotse niya dahil kay Bree na siya sasabay pag-uwi din mamaya after the rehearsal.
NANG makarating siya sa kotse ng kaibigan ay kaagad siyang kumatok sa bintana niyon. Agad naman siyang pinagbuksan nito. Nagmamadali siyang umupo sa passenger seat. Regalo ni Wade ang kotseng iyon kay Bree, mahal na mahal talaga ng lalaki ang kaniyang bestfriend.
"Hoy bruha! Sino 'yong poging iyon ha?" Nagulat siya sa tanong ni Bree kaya agad siyang napalingon sa gawi nito. Nakita sila nito ng lalaking nakabungguan niya!
Umiling siya. "Naku wala! Nakabungguan ko lang." Isinuot niya na sa kaniyang katawan ang seatbelt.
"Bungguan talaga?" Nakangising sabi nito. Nasa driver's seat ito nakaupo.
Ang mga mata ni Bree ay nanunudyo kaya kinabahan siya agad.
"Eh hindi ko kasi napansing may tao dun eh..."
"Hmp. Ikaw ha? Lapitin ka pa rin ng pogi kahit may asawa ka na." Hindi pa din nito ini-start ang sasakyan. Mukhang gusto pa nitong maki-chismis.
"Di ko nga kilala iyon! First time ko lang nakita dito sa shop natin. Saka 'wag mo na ngang banggitin iyon!"
"Wag kang mag-alala, hindi ko babanggitin lalo pag nariyan ang asawa mong saksakan ng seloso! Susme, ultimo aso pinagse-selosan niyang si Eos eh!"
"Kaya nga..." Napangiti pa siya ng maalala ang plano niya noon na mag alaga ng aso pero hindi natuloy. Bakit? Well, dahil sa pati nga aso ay pinagse-selosan ng kaniyang asawa! Hindi naman siya nasasakal kay Eos, actually nagugustuhan niya din ang pagiging possessive nito.
Para sa kaniya si Eos ang kabuuhan ng lalaking gusto niya! As in gustong-gusto sa lahat ng aspeto. Eh ano kung possessive ito at seloso? Doon niya nga nararamdamang mahal na mahal talaga siya nito. Sukat sa pagka-isip dito ay namiss niya agad ang kaniyang poging mister. Ah malamang busy din si Eos ngayon para sa pagli-leave nito. Di nga ba't may bakasyon grande silang mag-asawa? At pansamantala ay kay Andrea niya muna iiwan ang business nila ni Bree na Cosmetics.
"O siya. Sige na gogora na tayo Mrs. Tan!" Ini-start na nito ang makina ng sasakyan. "Baka naghihintay na sa akin ang labi-dabs ko!"
"Oo nga! Tara na at mahuhuli na tayo sa rehearsal ng kasal mo! Sige ka baka mainip si Wade at di na ituloy ang pagpapakasal sa'yo!"
"Tse! Hindi na magbabago ang isip non noh!" Iningusan siya ni Bree na kinahagikhik niya.
Kung di niya pa alam ay mahal na mahal ng kaibigan niya si Wade. Hay sino nga ba ang makakapagsabi na magkakatulyan ang mga ito? Hay pagibig nga naman... Napakamahiwaga!
SA PARKING lot naman ay nanatiling nakatayo ang isang lalaki.
Nakapamulsa ito sa suot na pantalong kupasin. Nasa mga mata niya ang di matatawarang paghanga.
"SO SIYA PALA..." Habol tingin si Kendo sa papalayong sasakyan na kinalulunan ng babaeng nakabangga niya kanina.
Ilang araw niya na ding tinitik-tikan ito. Nakasunod siya sa mansion maging sa boutique ng babae, pero tanging ngayon niya lang napag-desisyunang lapitan ito. Nagpanggap siyang nabangga niya ito kunwari para magkaroon ng dahilan na makausap ito. Pero sadyang mailap ang babae... na isa sa mga ugaling nakakakuha ng kaniyang interes.
Iyon pala ang kapatid kuno ng kaniyang girlfriend na si Andrea. Napailing siya, malayong-malayo ito sa deskripsyon ni Andrea sa kaniya. Kahit hindi niya pa man ganoon kakilala ang Usha na iyon ay batid niyang nagsi-sinungaling lang sa kaniya ang kasintahan. Pwes nagkakamali ito ng taong bibilugin ang ulo. Dahil wala pang sino man ang nakabilog sa kaniya...
Pero hindi naman porket di siya naniniwala kay Andrea ay di niya na tutuparin ang sinabi niya dito. Pwede pa naman niyang ituloy, iyon nga lang ay mukhang magkakaroon na siya ng sarili niyang plano.
Iyong babaeng si Usha, maganda ito. At may kakaiba siyang nararamdaman dito. Iyon bang kahit nasa itsura nito ang tila di makabasag pinggan ay nanunuot pa din ang kakaibang personalidad ng babae. Para bang may itinatago itong tapang... Tapang na mabilis makapagpa-turn on sa kaniya.
Hmn... Ano kayang itsura ng babaeng iyon kapag nakahiga na ito sa ibabaw ng kama niya?
At ano ang sasabihin ng asawa nito?
Sayang at may asawa na ang Usha na iyon. Pero ano ba kung may asawa na ito? Hindi ba't mas may thrill ang larong maraming komplikasyon? Saka hindi nga ba't pino-pormahan ng asawa nito ang kaniyang tusong si Andrea? Well, mukhang masaya ang kalalabasan ng larong ito.
"Mukhang mag-e-enjoy ako..." Gumuhit ang isang kakaibang ngiti sa mga labi niya habang sinasariwa sa kaniyang gunita ang inosente at mala-anghel na mukha ni Usha...
TBC
NEXT UD... Tomorrow. Sorry maiksi lang ito. Nasira kasi ang PC ko. Comments! I'll update agad! Promise!!!-May ilang parts ng kwentong ito ang magbabago. Sa susunod na Kabanata ay magkakaroon kayo ng hint ukol sa pinagmulan ni Andrea. At ang brutal ng welcome niyo kay Andrea haha...
JamilleFumah
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
