Chapter 27: My Cold Husband

404 6 0
                                        

Sa Mansion...

"Bakit ba hindi kita makita sa school?" Habol niya kay Eos.

"Pwede ba?" Inis na umiiwas naman ito sa kaniya. Mukhang badtrip ito, napagalitan na naman siguro ni Daddy Sab.

"Hindi ko naman ipagka-kalat na mag-asawa tayo eh! Gusto ko lang naman makita ka!" Pangungulit niya pa.

Pormal naman siyang hinarap ng lalaki. "Ano bang problema mo?"

Napa-simangot naman siya. "Ikaw! Bakit ba ang sungit mo huh?!"

"Bakit ang kulit-kulit mo?!" Asar na balik-tanong naman nito.

"Makulit pala huh?!" Inis na tinalikuran niya na lang ito.

Habol-habol lang naman siya ng tingin ni Eos.

Pero si Usha...

Naiinis talaga siya sa kaniyang asawa.

Mula kasi ng bumalik ito sa pag-aaral ay mas lalo na siya nitong hindi napapansin...

Pakiramdam niya kahit magkasama sila sa iisang bubong at iisan kama ay hindi pa din sila ganoon ka-close.

Tahimik na nahiga na lamang siya sa kanilang kama...

Patalikod sa pwesto nito...

Basta galit siya kay Eos!

Hindi niya ito papansinin!

x x x

Nasa kahimbingan na siya ng pagtulog ng maramdamang may mabigat na bagay na dumagan sa tagiliran niya.

Pupungas-pungas na napadilat si Usha.

Braso pala ni Eos ang bagay na nakadagan sa bewang niya.

Inis na tinabig niya iyon.

Bukod sa display at tandayan, ano pa bang silbi niya sa kaniyang asawa maliban sa mga bagay na iyon.

"Hmmm..." Napa-ungol naman si Eos at lalong sumiksik sa balikat niya. Tulog na tulog ito.

"Ano ba?!" Bumwelo siya at buong lakas na itinulak ito with matching tadyak pa.

Dahil sa natutulog ay walang lakas ang lalake. Para itong papel na tumalsik papunta sa kabilang dako ng kwarto.

Lumikha iyan noong malakas na pagkalabog.

"Eos!!!" Nabigla naman siya sa nagawa niya. Diretso bangon si Usha.

Ungol lang ng lalaki ang naulinigan niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa nakabulgatang si Eos.

Putok ang noo nito.

"Eos?!"

Pero ganoon na lamang ang asar na naramdaman niya ng makitang natutulog pa din ang magaling niyang asawa!

Imbes na maawa sa itsura nitong naka-lugmok sa sahig ay lalo pa siyang nanggigil sa lalaki.

"Wala ka talagang silbi!!!" Inis na tinadyakan ang tiyan nito.

"Argh!!!" Doon na nagising si Eos.

Namilipit ito sahig.

"Ang kapal ng mukha mong tandayan at yakap-yakapin ako sa pagtulog mo! Anong akala mo sa akin? Unan mo?!" Naghihinanakit na bulyaw niya dito.

"Ano bang problema mo?!" Galit na sabi nito at saka naupo sa sahig. Hawak-hawak pa din ang nasaktang tagiliran.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now