E O S
Bagong Yugto
"GIVE me a twins..." Mahinang anas nito habang hinahaplos ang kaniyang braso.
Tumingala siya. Nakahiga siya noon sa kama at ito naman ay nasa tagiliran niya at nakatunghay sa kaniyang mukha. Nginitian niya ito. "Paano 'yun? Hindi ko naman hawak kung magiging kambal ang magiging anak natin."
Matagal lang siya nitong tinitigan sa mga mata, ni hindi nito sinagot ang katanungan niya. Kumpara noon ay mas okay na si Eos ngayon. Alam niya na kapag naiinis ito, naiirita o natutuwa. Mas madali na itong basahin kaysa noon na hirap na hirap siyang hulaan kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito.
May buhay na din ang dating blangkong ekpresyon sa magagandang mata nito. This time, hindi na din siya nangangapa sa pagsasama nila.
The day na sinundo siya nito sa tirahan nila noon, ay ang araw na hinayaan na siya nitong tuluyang makapasok sa buhay nito. At habang tumatagal ay lalo siyang napapamahal dito.
Ngumiti ito sa kaniya. Oh, his smile... Kung noon ay napakadamot nitong ngumiti, ngayon naman ay hindi lumalampas ang isang araw na hindi niya ito makikitang nakangiti. Mas lalong gumwapo si Eos ng umaliwalas na ang mukha nito. Tahimik pa din naman ito subalit nagsa-salita na din naman kapag kinakausap.
Mabilis ang tibok ng puso niya habang sinasalubong ang titig nito. "You are mine Mrs. Tan..."
Inabot niya ang pisngi nito. "Oo..."
Pero kinuha nito ang kamay niya at saka inilagay sa kaniyang tagiliran. At ngayon ay dumagan na ito sa ibabaw niya. "Can we do it now?" Tanong nito.
Tumango lang siya. Sino siya para tumanggi?
Inilapit nito ang mukha sa kaniya hanggang sa ramdam niya na ang mainit nitong paghinga.
"Kiss me..." Kung hiling ba iyon o utos ay hindi niya alam. Pero buong puso niya iyong gagawin dahil gusto niya... At gagawin niya iyon kahit hindi iyon sabihin ni Eos. Ang mapupulang labi ni Eos ang kahinaan niya...
"Oo Eos..." Namumungay ang mga matang tugon niya. Kinabig niya ang batok nito upang pagtagpuin ang mga labi nila.
Iginalaw niya ang sariling mga labi. Malambot ang mga labi nito. Mainit at amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng lalaki. Hinayaan lang siya nito na siya ang kumilos, samantalang tinatantiya naman niya ang bawat galaw ng kaniyang bibig.
Pero mahirap magpigil, ganitong napaka-guwapo at napakabango ng hininga ng lalaking kahalikan niya.
Pinalalim niya ang halik na iyon. Tinudyo-tudyo niya ang nakatikom nitong bibig hanggang sa bumuka na iyon ng kaunti. Hindi niya na sinayang ang pagkakataon na pasukin ang bibig nito gamit ang dila niya.
Kahit yata oras-oras niya itong halikan ay hindi siya magsasawa o mapapagod man lang. Parang may magnet ang mga labi nito dahil hindi niya kayang bumitaw.

YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.