Chapter 59: Ang Pagbabalik

346 7 0
                                    

x EOS x

NAGISING si Usha sa parang tunog ng salamin na binato ng kung anong matigas na bagay. Painot-inot siyang bumangon mula sa kama.

Wala na si Eos sa tabi niya. Alas-onse na rin pala, tinanghali na nga siya ng gising. Hindi kasi siya tinantanan ng kaniyang asawa hangga't hindi sumuko ang kanilang mga katawan sa pagod at antok. Madaling araw na rin sila nakatapos sa paulit-ulit nilang pagsasalo.

Napangiti ng maalala ang mga naganap.

"Pumasok na siguro siya..." May nakita siyang note sa ibabaw ng side table.

'Good morning! Everything you need is here. Enjoy your day resting. I'll be back before 5:00 pm.'

Iyon ang nakalagay sa note at sulat kamay iyon ni Eos. Hindi niya pa man niya nai-chi-check ay batid niya nang naka-lock ulit ang pinto ng kanilang silid. Ang mga tinutukoy marahil nitong 'everything' sa note na iyon ay ang mga pagkain na laman ng personal ref sa silid nila at ilang mga pagkaka-abalahan like: Magazines, DVD's at computer.

Pinilit niyang wag mainis. Pumayag naman siya kay Eos na gawin pa rin nito sa kaniya ang bagay na iyon, hindi niya lang talaga maiwasang hindi malungkot.

Tumayo siya habang kipkip sa katawan ang kumot na tumatakip sa kaniyang kahubaran. Medyo iika-ika pa ang lakad niya, pano ba naman magdamag kaya siyang nakabukaka! Ku ang pilyo niyang husband! Akala mo palaging mauubusan.

O baka naman sinadya talaga nitong pagurin siya para makapag-rest siya maghapon sa silid nila.

Muling naulit ang tunog na narinig niya kanina na nagpagising sa kaniya. Napalingon siya sa bintanang salamin na katabi ng sliding door patungo sa verandah.

"Ha?" May bumabato doon!

Dinampot niya ang T-shirt ni Eos na nakakalat sa sahig at kaniyang isinuot bago siya lumapit sa bintana.

"Andrea?" Ang kapatid niya ang nakita niya mula sa kabilang terasa. Nakatayo ito ron ay akmang babatuhin ulit ang kanilang bintana.

Ngumiti ito nang makita siya. "Ate! Buti gising ka na! Hindi ka nagigising sa mga katok ko sa pinto mo eh, nanakit na rin iyong kamay ko sa kakakatok kasi bakal iyong pinto niyo." Anito.

"P-pasensiya ka na..."

"May ibibigay ako sa'yo! Matutuwa ka." Sigaw nito.

"Ano?"

May dinukot ito mula sa bulsa ng suot nitong bestida. Kumalansing iyon at saka nakangising tumingin ulit sa kaniya. "Ate ito yung susi!" Sabay bato niyon sa kaniya. "Catch!"

Maagap naman niyang nailabas sa grills ng bintana ang isang kamay niya para saluhin iyon.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now