Chapter 15: My Moody Fiancee

540 9 0
                                    

 "NASAAN BA SI KUYA?" Nagdadabog na umakyat ng hagdanan si Kye. Ang nakababatang kapatid ni Eos.

"Mam sabi ho ng kuya niyo ay wag silang kakatukin ni Mam Usha sa kwarto..." Pahabol na sabi ng katulong.

Pero tila naman walang narinig ang dalagita. Tuloy-tuloy siya sa pag akyat sa mataas na hagdan at ang tinutungo ng kaniyang mga paa ay ang silid ng kaniyang kuya.

Dapat niyang makausap ang kapatid. Unfair ang mga nangyayari. Umuwi na lamang ang kuya niya na may bitbit na babae at basta na lamang ipapakilala na girlfriend niya tapos papakasalan na agad-agad? Ni hindi pa nga nila lubos na kilala ang Usha na yon. Sadyang mabait lang kasi ang mga magulang nila kaya hindi nagrereklamo.

Masama talaga ang kutob niya sa Usha na iyon! At mas higit pang ikina-inis niya ay ang kaibigan nitong si Kiko! Ang masungit na lalaking si Kiko!

"Arghhh I hate that Kikong -Pulubi!!!" Ewan bakit mas inis pa siya sa kaibigan ni Usha kesa sa babae mismo.

Unfair kasi talaga! Siya hindi pwedeng magka boyfriend? Tapos binubugbog pa ng kuya niya ang lahat ng mga lalaking nagtatangkang manligaw sa kaniya! Tapos ngayon ni hindi niya man lang pwedeng tarayan ang mapapangasawa nito?

"Kye ano na naman ba yan honey?" Bago niya pa kalampagin ang pintuan ng kwarto ng kapatid ay bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ng kanilang mga magulang.

Si Hani ay palapit sa bunsong anak. "Wag mong istorbohin ang kuya mo..." Nakangiting pigil nito sa dalagitang nakasimangot.

Magka akbay pa ang kaniyang mommy at daddy. Hayyy napaka sweet pa din ng dalawa kahit matagal na itong mag asawa.

"But mom!" Protesta niya.

"Come here... sumama ka sa amin. Mag almusal na muna tayo okay?" Hinila ni Sab ang kamay ng pasaway na bunso. Ayaw nitong magtalo na naman ang magkapatid.

 

May pagtutol man ay sumunod na lamang si Kye sa kaniyang loving parents.

Mamaya na sila magtutuos ng Usha na yon.

"Pag wala ng tao ...Humanda ka sa akin bruha! " bulong niya sa sarili.

 

Sa loob naman ng silid nila Eos.

"MAGPAPAKASAL NA tayo maybe on next month. Depende kay mom, siya kasi ang kausap noong pari." Tumayo si Eos pagkawika noon. "Saka before pasukan dapat maayos na ang kasal."

Lumapit ito sa malaking bintana ng kuwarto nila. Nakatapis lamang ito ng tuwalya sa pang ibabang bahagi ng katawan nito.

Kakatapos lang nila sa kanilang forbidden sin kasi hindi pa naman sila married.

"Sa...sa simbahan ba tayo magpapakasal?" habol ng tingin ni Usha sa lalaki.

Hindi niya maiwasang titigan ang kabuuan ng halos nakahubad ng binata sa kaniyang harapan. Napaka ganda ng tayo ni Eos.

Ang katawan nito ay larawan ng isang modernong Adonis. Mestisuhin ang lalaki subalit lumalaban ang pagka tan ng makinis nitong balat.

Nakatingin sa malayo si Eos habang nakatayo sa gilid ng bintana. Napakasarap pagmasdan ng mukha nito habang ito ay nakatagilid. Lalong tumangos ang ilong nito dahil sa pagkaka side view nito. Para kay Usha ay punong-puno ng hiwaga ang lalaking ito sa kaniya... subalit gayon pa man ay iginuhit niya na sa kaniyang palad na ito na nga ang lalaking makakasama niya habang buhay...

For The Love of EosWhere stories live. Discover now