Chapter 53: Pochero

324 4 0
                                    

"HUY! Wag ka na ngang magtampo diyan!" Kausap niya si Eos sa telepono. Paano paggising niya kinabukasan ay nakaalis na pala ito. Ni hindi man lang siya hinintay na magising.

"I'm not!" Tanggi nito pero daig pa ang yelo sa kalamigan ang boses.

"Eh bakit inaangilan mo ako?" Nangingiti siya. Nai-imagine niya na ang naka-busangot na mukha ng asawa niya.

"I'm busy, Usha."

"Akala ko ba nagleave ka na?"

"Binawi ko na."

"Eos..."

Toot-toot- Toot-toot!

Babaan ba daw siya ng telepono?

HMP! Nagtampo na nga talaga...

Ibinalik niya sa lalagyan ang landline fone nila at saka hinarap ang tupperware na may lamang ulam sa mesa.

"Tingnan ko lang kung magtampo pa siya after niyang matikman 'tong special Pochero ko!" Pagkagising niya ay nagpabili kaagad siya ng mga rekado kay Bebang.

Knowing Eos? Kahinaan yata nito ang luto niyang Pochero. Matapos maligo ay gumayak na siya paalis. Nagpaganda pa talaga siya!

Nagulat siya nang makarating siya sa garahe ng mansion ay may apat na lalaking naka-barong.

"Ako po si Arnold, Mam!" Anang isa na medyo chubby pero bata-bata pa naman ang itsura.

"Ako naman po si Zackarias, Mam!" Sabi naman nung isang malaki ang katawan na mukhang bouncer sa Club.

"Ako naman si Ben." Ang huli na halos ka-edad lang yata ng pirmihan nilang driver.

Nakangiting lumapit sa kaniya si Mang Domeng. "Mam, galing ho silang lahat sa agency. Ipinagbilin po ni Sir Eos na isama niyo ho lahat sila sa mga lakad niyo."

"Ano?!" Nawindang siya! At tinotoo pala talaga ni Eos ang sinabi nito?!

"Mga drivers niyo ho kami Mam Usha, hindi po kami bodyguards kaya wag po kayong magalit sa asawa niyo. Kinuha niya po kaming apat bilang reserba. Para daw po hindi niyo na kailangang magpahatid sa iba kapag hihiramin ng kapatid niyo si Mang Domeng." Nakangiting paliwanag ni Ben.

Narinig niya pang bubulong-bulong sa sulok iyong nagngangalang Zackarias. "Ang ganda pala ng amo natin. Di ko masisisi iyong asawa niyan kung bakit ober protektib!"

"Ah, okay-okay." Suko niya. "Sige tara na. Pupunta tayo sa opisina ng magaling kong asawa."

Nagulat pa siya ng lahat nga ito ay bumuntot sa kaniya. Kaya no choice sila kundi sa Van sumakay para lang sila magkasya!

PRINCESS HANI Group Of Companies

"Good morning mam!" Magiliw na salubong sa kaniya ni Thea. Sekretarya ito ng asawa niya.

"Hi. Nandiyan ba si Eos?"

"Ah yes po. Nasa office niya po siya ngayon."

"Okay thank you!"

PAGKARATING SA harapan ng pintuan ng opisina ni Eos ay hindi na siya kumatok. Tuloy-tuloy na siya papasok.

"HELLO." Todo-smile niyang bati rito. Naabutan niya itong nagliligpit na ilang dokumento sa naroong mga shelves.

"What are you doing here?" Nilingon siya nito nang nakakunot ang noo.

"Dinalhan kita ng tanghalian." Hindi pa rin napapawi ang ngiti niya kahit pa sinungitan na agad siya nito. Sus! Sanay na siya noh! Inilapag niya sa desk nito ang paperbag na kinalalagyan ng dinala niyang pagkain.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now