I adore you guys for not giving up sa paghihintay sa updates ko. I'm sorry been busy nitong mga nakaraang araw, at nagkaroon pa ng problema. ^_^
∞ ✞∞∞
NASA lilim pa din sila ng puno ng...
"Look who's here!"
Matinis na boses mula sa kung saan ang narinig nila.
Sakto naman sa pagtingala nila ay naroon pala ang grupo ni Zamantha Meneses.
"Pakalat-kalat talaga ang mga basura sa lugar na ito!" wika ni Ally.
Si Zamantha naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Tumayo na din sina Usha at Bree. Pinagpagan nila ang kanilang uniform bago harapin ang tatlong bagong dating.
"Hoy Briana Johnson!" Sita naman ni Claudia. "Anong ginagawa niyo dito? Siguro nag-I - spy kayo ano?!"
"Spy?" Takang tanong ni Usha.
Tumawa naman ng pagak si Claudia. "Ofcourse alam na alam niyang si Bree na dito ipina-parada ni Tan ang motor niya kapag hapon!"
Napamulagat naman si Usha. "Hindi iyon ang sadya namin dito!" Pagta-tanggol niya sa kaibigan.
Umikot naman ang eyeball ni Ally. "Hoy Bree! Ang kapal mo naman ano? Hanggang ngayon ay pina-pangarap mo pa din si Tan? You gold digger!"
"Tara na Usha..." Nakatungong hinila na ni Bree ang kamay niya para maka-iwas na lamang sa mga bagong dating.
Pero humarang sa daraanan nila si Zamantha. Nagulat pa si Usha ng biglang sampalin ni Zamantha sa pisngi ni Bree.
"Bree!!!" Napatili naman siya.
Matalim ang mga matang tinitigan pa ng babae ang kaibigan niya.
"Para iyan sa panloloko mo sa amin noon Briana Johnson!" Wika ni Zamantha.
Samantala, nakamata lamang ang lahat.
"How dare you na makipag-kaibigan sa amin?! Niloko mo kami! Mahirap ka pa pala sa daga! Gusto mong makipag-sosyalan kaya nagpumilit ka na sumama sa grupo namin? To the point na pati si Tan ay pina-pangarap mo pa palang hitad ka!"
Ngayon lamang nila nakitang nagalit ng ganoon ang tahimik at mataray na si Zamantha Meneses.
Kahit ang dalawang kaibigan nito na sina Claudia at Ally ay nagulat din sa inasal ng dalaga.
Dahil doon ay nakaagaw pansin na sila sa iba pang estudyanteng nasa ground.
"Bakit? Kahit kailan naman ay hindi niyo ako itinuring na kaibigan? Naglokohan lang din tayo!" Umiiyak na si Bree.
"Hindi ka namin itinuring na kaibigan dahil noong umpisa pa lang ay may hinala na kami sayong peke ka!"Sigaw naman ni Claudia.
Sumingit na din si Ally. "Nakipag-kaibigan ka sa amin para magkaroon ng magagandang damit at makasama sa mga party! Social climber! Balak ka na sana naming palampasin, pero heto at umi-epal ka pa! Sinama mo pa iyang yaman-yamanang bago mong kaibigang basura!"
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
