To: @jhanice1989 , salamat sa iyong message sa JAMILLEFUMAH's facebook page :)
x EOS x
MALAYO palang ay naririnig na ni Usha ang paparating na sasakyan ni Eos. Kung di siya nagkakamali ay nasa kabilang kanto na ito ng Subdivision. May kahinaan kasi ang panrinig niya kumpara rito na sobrang lakas pa pati ng radar.
"Ate saan ka pupunta?" Habol sa kaniya ni Andrea. "Hindi pa tayo tapos dito." Nagpapatulong kasi itong mag bake ng cake.
"P-parating na si Eos eh, babalik na ako sa kuwarto." Nagkukumahog na inalis niya sa kaniyang katawan ang suot niyang apron.
"Ang aga pa ah? Hapon pa uwi non." Pigil nito sa kaniya.
"Basta. Sige na, babalik na ako sa itaas." Nanakbo na siya pabalik ng kanilang silid na mag-asawa. "Andrea! Paki-lock pala iyong pinto sa labas please."
"Okay!" Tamad na sumunod sa kaniya si Andrea.
Hindi siya pwedeng maabutan ni Eos sa labas ng kwarto nila. Ayaw niyang magkaroon na naman sila ng alitan na mag-asawa. Kaya lang, another kasinungalingan na naman kung malalaman nitong sinuway niya ito at lumabas siya ng kwarto nila.
Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Kye kaninang umaga. Siguro pwede naman niyang kausapin si Eos na wag na siyang i-lock. Hindi naman talaga kasi makatao iyon noh, ang arte lang kasi ni Eos. Madsyado rin siyang masunurin dahil sinunod niya lang ito, eh kasi naman guilty rin siya kaya pinagbigyan niya na lang ang asawa niya sa 'lock-lock chorva' na ito eh.
Pagpasok niya sa kwarto ay ipina-lock niya na ang labas niyon kay Andrea. Nahiga na siya sa kanilang kama at naghintay sa pagdating ng kaniyang selosong Eos! Medyo pagod at gutom ang pakiramdam niya.
"Hmnp... Nakakatamad na talaga..." Nakangusong napatitig na siya sa kisame.
Kapag nasa loob siya ng kwarto ay hindi niya na masyadong maulinigan ang mga nangyayari sa labas, masyado kasing makapal ang pinto na ipinalit ni Eos sa dating kahoy na pintuan nila.
Maya-maya pa ay bumukas na nga ang bakal na gate at iniluwa niyon ay pinaka-guwapong lalaking nakilala niya sa buong buhay niya.
Dali-dali siyang tumayo at sinugod ito ng yakap. "Hello! Mahal!"
"Lumabas ka?" Iyon agad ang isinalubong nito sa kaniya. Magkadikit na naman po ang kilay nito!
"Ah..."
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
