Chapter 8: Home With Him

497 5 0
                                        

SI EOS NAMAN ay palihim na sinusulyapan ang nakatulog ng katabi

Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ang babaeng ito, tila may kakaiba dito na nagma-magnet sa kaniya papalapit sa buhay ng dalagang katabi.

Pinilit niyang iwaksi ang isipan.

Nakarating na sila sa harap ng mataas na gate ng kanilang bahay. Bumusina ng dalawang beses ang binata bago may nagbukas sa tarangkahan ng gate.

 

"Good evening ho Señorito Eos. Hinahanap na ho kayo ni sir Sab at Mam Hani..." ang nagbukas na katulong na si Bebang.

 

Tinanguan lamang ito ng binata.

Binalingan niya ang katabi na himbing na himbing pa din sa pagkakayupyop sa upuan ng kaniyang sasakyan. Pinitik niya ang sentido nito na ikinagulat naman ng dalaga.

"AY ANO BA?!" Biglang balikwas si Usha sabay himas sa nasaktang noo.

 

"Nandito na tayo." Maiksing wika ng binata pagkuway nauna na itong bumaba ng sasakyan na hindi man lamang siya pinag-aksayahang ipagbukas din ng pinto.

"Huh?" Takang iginala ng dalaga ang paningin sa labas ng sasakyan.

Halos malaglag ang panga niya sa nakikitang karangyaan. Napakalaki ng bahay nina Eos, parang palasyo sa laki.

Atubili pa siyang bumaba ng sasakyan.

Para siyang nanliliit sa laki ng paligid.

 

Ang ganda ng malawak na hardin at solar na para bang alagang-alaga ang mga halaman at mga bulaklak doon. Ang daan patungo sa gate ng bahay nila Eos ay gawa sa kakaibang bato na mistulang marmol pa nga yata.

 

Sa buong buhay niya hindi niya inakala na makakatungtong siya sa ganoong karangyang tirahan.

"Tatayo ka na lang ba diyan?"

 

Napalingon si Usha sa nagsalita.

Nakatayo si Eos at nakaharap sa kaniya na bahagyang kunot pa ang noo.

 

Hindi naman niya malaman kung susunod ba siya dito o hindi. Nangangamba siya na baka masungit at matapobre ang mga magulang ng binata.

Nagsimula ng lumakad papasok sa main door si Eos samantalang siya naman ay parang slomotion ang paglalakad pasunod dito.

SA LOOB NAMAN NG KABAHAYAN ay alalang-alala naman ang mag-asawang Tan dahil dalawang araw nang hindi umuuwi ang kanilang panganay na anak.

"Hon, calm down. Wala namang masamang mangyayari sa anak natin, kita mong mas malakas pa yata kay iron man si Eos eh." Dinaan na lamang ni Sab sa biro ang pag-aalala.

 

Mangiyak-ngiyak naman si Hani na yumakap sa asawa. "Pero Sab, hindi mo naman ako masisisi... Ina ako. Nag-aalala ako lalo pa't batid naman nating hindi normal ang ating anak!"

"Nandito na ako." Pinutol ng nagsalita ang kanilang usapan.

Sabay pa silang napalingon sa gawing pinto. "Eos!" halos takbuhin ni Hani ang pagitan nila ng anak.

Niyakap at pinaghahalikan ni Hani ang panganay na anak. "Saan ka galing hijo? Kumain ka na ba ha? Bakit ngayon ka lang? Pinag-alala mo kami." Hindi magkamayaw ang babae.

Salubong ang kilay na lumapit si Sab sa kaniyang mag-ina. "Eos, ano ba talagang gusto mong mangyari ha? Palagi mo na lang ba ito gagawin sa Mommy mo?" May bahid ng pagka-asar ang tanong ni Sab.

Hindi naman sumagot ang binata.

 

Napatingin sila sa pinto ng mapansing may iba pang tao doon.

"Sino siya?" Halos sabay pa ang mag-asawa.

 

NANGINGINIG NAMAN ang dalagang si Usha, hindi niya alam kung papasok pa ba siya o hindi na.

Napakaganda ng Mommy ni Eos at napaka gwapo din ng ama nito, no wonder dahil gwapo rin naman ang binata.

Sa itsura ng mga ito tiyak na tiyak talaga na mayayamang tao ang pamilya ni Eos, parang biglang gusto niyang matunaw sa kinatatayuan.

"G-Good evening po..." Hiyang-hiya siya sa mga ito.

 

Mukhang wala pang balak ang binata na ipakilala siya.

"Bisita mo ba siya anak?" Si Hani.

"Yes." Nagulat pa silang tatlo sa pagsagot ni Eos.

Pakiramdam naman ni Usha ay bigla siyang lumutang sa cloud nine dahil sa tinuran ng binata.

Ang mag-asawa naman ay hindi malaman kung paano magre-react paano'y kahit kailan ay wala namang nabanggit ang anak na may nagugustuhan ito o nililigawan.

Si Usha lamang ang tanging bisita ni Eos sa buong buhay nito.

Pakiramdam ni Hani ay mas gusto niya pang magalak kesa magtaka. "Talaga anak may girlfriend ka na?" Napakapit pa siya sa balikat ng lalaki.

 

Sa halip na sumagot ay walang sabi-sabi na hinila ni Eos ang tila naitulos na dalaga sa pinto.

Halos matalisod naman ang dalaga sa paghakbang pasunod sa binata.

 

"Teka..saan tayo pupunta?" Tanong niya.

 

Nanlaki naman ang mata ng mag-asawa ng makitang mukhang dadalhin ng binata ang girlfriend nito sa kwarto. "Hey!" tawag ni Sab sa anak.

 

"Eos! Nakakahiya sa mga magulang mo!" Pigil ng dalaga subalit wala na atang balak pang tumigil ng binata. Kulang na lang ay kaladkarin siya nito sa hagdanan.

"Eos!" may galit na ang tinig ni Sab para sa anak.

Malumanay naman na inalo ni Hani ang asawa. "Hon, hayaan mo na ang mga bata..."

Nagsalubong ang kilay ni Sab sa tinuran ng kabiyak. "What?! Anong hayaan??? Paano kung anong gawin ng anak mo doon sa babae?"

Ngumiti ng kimi si Hani. "Wala siyang gagawing masama sa babaeng iyon... May tiwala ako sa anak natin. Alam kong mabuti siyang tao kahit na hindi natin maunawaan ang totoo niyang sinasaloob. Hindi ko din alam mahal, pero magaan ang loob ko sa girlfriend niya... Umaasa akong dahil sa kaniya ay magbabago na ang ugali ng ating anak." Ewan niya pero pakiramdam niya ay matagal niya ng kilala ang babaeng kasama ng kaniyang anak.

Wala ng nagawa si Sab kung hindi sumang-ayon sa asawa. "Okay...but nag-aalala pa din ako. Unang bese pa lamang na may dinalang babae dito iyang anak mo eh."

"Ayaw mo noon? Ibig sabihin lang na normal ang anak natin. Marunong siyang magkagusto o magmahal... Tyaka nasa hustong gulang na si Eos."

 

"Pero paano kung..." Hindi na niya maituloy ang nais na sabihin dahil nakikita niya na ang unti-unting pagbabago ng anyo ng asawa.

"Stop it Sab! Hindi ganoon ang anak natin! Hindi siya kagaya ng kuya mo at ng lahing pinagmulan mo!" Bigla ay napikong sigaw ng babae.

Gumuhit naman ang lungkot sa mukha ni Sab. "I'm sorry..."

Tila natauhan naman si Hani sa nabitiwang salita. Alam niyang apektado pa din si Sab sa nakaraan nito, ayaw niya lamang na kwinikwestyon ang kanilang panganay.

 

"I'm sorry din mahal..." Hingi niya ng paumanhin.

JAMILLEFUMAH

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now