Chapter 69: True Love Can Change A Man

512 10 1
                                        

x EOS x

"NAGING maganda ang dulot ni Usha sa buhay natin..." Hinaplos ni Sab ang buhok ng kabiyak.

Malungkot itong tumingin sa kaniya. Nasa mga mata nito ang bakas ng pagluha.

Niyakap niya si Hani at hinagkan sa noo. Gusto niyang papayapain ang kalooban nito. "Nang dahil sa kaniya, natuto ng maraming bagay ang ating anak. Natuto siyang ngumiti... Tumawa... at magmahal."

Wala pa rin itong kibo.

"Akala ko dati, mananatiling kasing lamig ng yelo si Eos... Pero tingnan mo siya matapos niyang makilala ang simpleng babaeng kaniyang pinakasalan. Nalusaw ang pader na nakapalibot sa kaniya..." Aniya.

Matipid na ngumiti sa kaniya si Hani.

"Marunong ng ngumiti ang anak natin..." Dagdag niya pa.

Malungkot na umiling ito. "M-Marunong na rin siyang.. lumuha..." May piyok sa tinig na wika nto.

"Hani..."

Muling namalisbis ang luha sa magagandang mga mata nito. "Sab? Alam mo ang nararamdaman ko. Alam mo ang pakiramdam dahil magulang ka rin... Pero higit pa sa sakit na nariyan sa puso mo ang sakit na nakapatong sa dibdib ko ngayon. Our son... Our Eos... H-Hindi ko kayang makita siyang nagdurusa!" Mapait na saad nito sa pagitan ng pagluha.

"Mahal ko..."

Sunod-sunod itong umiling. "Mas nanaisin ko pang isa siyang taong walang emosyon... kesa ngayong araw-araw akong namamatay sa tuwing nakikita ko ang lungkot at pighati sa kaniyang mga mata! Hindi ko na kayang makita siyang nagdurusa!"

Ikinulong niya ang mukha nito sa kaniyang mga palad. "Mahal ko... Bahagi ng buhay ang kabiguan..."

"No..."

"Nakakaramdam na ng sakit ang anak natin... Isa lang ang ibig sabihin niyon... normal siya..."

Tuluyan nang yumapos sa kaniya ang kabiyak at sa kaniyang dibdib patuloy na umiyak.

Para namang binabarena ang puso ni Sab sa nakikitang pighati ng kaniyang asawa. Pero kailangan nilang maging matatag. Kailangan sila ni Eos ngayon, higit kanino man. "Tayo ang tutulong sa kaniyang maka-recover... Tayo ang magiging sandigan niya sa unos ng buhay na kalaban niya ngayon..."

"Sab..." Humihikbing tumaas muli ang mukha nito. "Ang anak natin..."

"Please be strong for our son... And believe in HIM." Aniya na pilit tinatatagan ang tinig.

"Sab..."

"Mabuti ang nasa ITAAS... Hindi NIYA tayo papabayaan..."

Tumango si Hani at nagpunas na ito ng luhaang mukha. "T-Tama ka... Hindi tayo dapat magpakita ng kahinaan..."

SA SILID NI EOS... Nakasarado ang mga bintana at mga kurtina kaya napakadilim ng loob niyon. Magulo ang mga gamit at nangangamoy alak ang paligid.

Pumasok si Hani sa loob ng silid ng panganay na anak. Binuksan niya ang switch ng ilaw para lamang mapailing sa itsura ng silid nito. Siya lamang ang nakakpasok sa silid ni Eos dahil siya lamang ang nakakatagal sa mood ng anak.

Araw-araw niya itong dinadalaw sa bahay nito dahil ayaw naman nitong bumalik sa Mansion nila.

"Eos... Hindi ka na naman kumain." Pansin niya sa dinala niyang tray ng pagkain kaninang umaga. Ni hindi man lang nagalaw iyon.

Walang kakibo-kibo si Eos. Nakaupo lamang ito sa gilid ng kama at nakatungo.

"Eos..." Humakbang siya papalapit dito. Halos maluha siya ng makitang duguan ang kanang kamao nito. Alam niyang nagsira na naman ito ng gamit patunay na rin ang mga bubog na nakakalat sa sahig. "Buntis na si Zamantha... at si Kendo ay nasa rehab na." Kwento niya rito.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now