Chapter 12: Lovely Little Witch

477 6 0
                                        

Dalawang araw ang lumipas...

 

Hindi malaman ni Usha kung paano niya nalalampasan ang mga sandaling nakakasama ang isang lalaking "HINDI NAGSASALITA" ! Kaya lagi na lamang siyang nagkukulong sa kanilang kwarto.

 

Umaasa siya na sana ay kausapin naman na siya ni Eos....

 

Nahihiya na siya sa bahay na iyon, pakiramdam niya ay isa siyang malaking SAMPID.

 

"Hay...ang hirap naman..." Naghihimutok na humiga siya sa malambot na kama. Tabi nga silang matulog ng binata pero hindi naman siya nito pinapansin.

 

Nahihiya din siya mauna na makipag usap dito dahil baka deadmahin lamang siya nito.

Mabuti ang napakabait sa kaniya ng mommy ni Eos, ipinagshopping pa siya ng kaniyang mga gamit. Kabaliktaran naman iyon ng kapatid ng binata na sobra sa kasupladahan... Inis na ipinikit niya na lamang ang kaniyang mga mata.

Samantala sa gate ng mansyon ay nakatayo ang binatang si Kiko.

 

Hindi kasi siya mapakali at gusto niyang kamustahin ang kaniyang kaibigan...

"Hoy dukha!"

 

Napalingon siya sa pinanggalingan ng matinis na boses.

 

Ang malditang hipag ni Usha... ang nagpapahirap sa buhay ng kaniyang minamahal na si Bashang. Tinaasan niya ito ng kilay.

 

"Hinahanap ko si..." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil magkalapit na magkalapit na sila ng babae.

 

Nakakagigil ang itsura nito na malaya niyang napagmamasdan dahil sa pagkakalapit nilang iyon.

 

Ang mga mata nito ay tila may taglay na kakaibang gayuma na umaakit sa kaniya.

 

Napadako naman ang kaniyang tingin sa mapupula at nakapinid nitong mga labi na tila ba kay sarap kuyumusin ng halik. "Kalimutan mo na." ayaw niyang makabangga na naman ang dalagita, mahirap na... Akmang tatalikod na siya pero humarang ito sa kaniya kaya halos magkauntugan na silang dalawa.

 

Ang cute ng mukha ni Kye na oo nga't maganda si Usha pero iba naman ang dating sa kaniya ng makulit at mayamang malditang kaniyang kaharap.

 

Alam niya papaluhain lang siya nito pero hindi niya masikil ang kakaibang damdaming umuusbong sa kaniyang puso. Mabilis ang responde ng kaniyang utak, ilang araw niya ng iniisip ang mga pwede nitong gaiwn kay Usha habang naroon ito sa tahanan nila.

 

"Namiss mo ako ano?" Namumungay ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya.

 

"Kung trabaho lang ang isipin ka, malamang mayaman na ako sa overtime!" Napipikon sabi niya.Dahil totoo na hindi ito mawala sa kaniyang isipan... araw-gabi at walang palya!

 

Kumipot ang bibig ng dalagita ng marinig ang mga sinabi niya. "Bakit mo ako iniisip?"

 

"Kasi nag-aalala ako sa mga ginagawa mo sa kaibigan ko!" nag-iwas siya ng tingin sa babae.

 

Tila hindi nagustuhan ng dalagita ang sinabi niya. "So? Eh ano ngayon kung itinulak ko siya sa pool kaninang umaga? at ano din ngayon kung nilagyan ko ng madaming suka ang soup na almusal niya? At ano din ngayon kung palagi ko siyang inaaway?" pagsisinungaling nito.

 

Nanlaki ang mata niya sa tinuran ng babae. Sa kabiglaan ay hiniklas niya ang magkabilang balikat nito at halos pigain niya na ang dalagita sa sobrang galit.

 

"Napakasama mo talaga ano?!" Gigil na yinugyog niya pa ito.

 

Maluha-luha naman si Kye sa kabiglaan. "OUH!!!" nagpapasag ang dalagita.

 

Nabigla din si Kiko sa kaniyang nagawa subalit ang higit niyang ikinabigla ay ang kakaibang lakas ng dalagita.

 

Pakiramdam niya ay nakikipagbuno siya sa isang malakas na lalaki at hindi sa disi-sais anyos lamang.

 

"Hoy sorry na!" Hingi niya ng paumanhin subalit nanlilisik na ang mga mata ni Kye na nakatingin sa kaniya.

 

"Bitawan mo ako hampaslupa! Wala kang karapatang hawakan ako ng maruming kamay mo!" Nagsisigaw na ang dalagita.

Nag-aalala naman siya na baka may makarinig dito.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now