HABANG nakatayo si Kiko sa tapat ng gate ng mansyon ng mga Tan ay nagtatalo ang isipan niya kung magdo-doorbell na ba siya o hindi na lang.
Alam niya na nagtaka si Usha kung bakit hindi niya ito pinansin kanina ng dumalaw ito sa looban. Hindi niya kasi alam kung paano pa papakiharapan ang babae. Ikakasal na si Usha sa mayamang Eos Geryon Tan na yon at kahit pa bali-baliktarin ang mundo ay higit na mas lamang ang lalaking yon kesa sa kanya.
"Usha..." Nai-usal niya sa hangin.
Wala na ang ilang taong pangarap na iningatan niya mula ng kanilang pagkabata. Wala na dahil wala naman siyang laban.
Sa kaniyang pagkakatayo ay napatingin siya sa malaking terrace ng mansyon. Nakita niya ang bunsong kapatid ni Eos na si Kye. Napataas ang kilay niya habang nakatingin sa dalagitang saksakan ng sungit.
"Maganda sana... Napakasama naman ng ugali." Naiiling siya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng dalagita.
Kahit bata pa si Kye ay may kurba na ang balingkinitan nitong katawan. Makinis din ang kutis nito na nagpapatunay na anak mayaman ito. Sosyal din ang malditang babae, hindi niya mawari kung ano ba ang nararamdaman niya sa mga oras na yon habang pinagmamasdan ang dalagita. Ilang beses niya na itong nakabanggan at kilala niya na ang ugali nito. Mataas ang tingin sa sarili at mukhang walang gagawing maganda para kay Usha. Umpisa pa lang ang alam niya ng spoiled brat ang dalagitang si Kye.
Ang inaalala lamang ni Kiko ay kung bakit may taglay na kakaibang lakas ang dalagita? As in kakaiba talaga... kulang na nga lang ay mabali nito ang buto niya sa pagkakapilipit sa braso niya. Kakaibang babae.
"Pambihira..." Titig na titig siya kay Kye.
SAMANTALA SI KYE naman ay biglang nakaramdam na para bang may nakamasid sa kaniya. Malakas ang pakiramdam niyang meron nga.
Luminga-linga siya sa paligid pero wala naman siyang nakita. "Ang weird..." inis na sabi na lang ng dalagita at pagkuwa'y pumasok na lamang sa loob ng sliding door.
Nagsimula na ding lumakad palayo ang mahirap na binata. Nangingiti siya habang inaalala ang nakasimangot na mukha ng dalagitang si Kye.
SA LOOB NAMAN ng kwarto ni Eos ay nakaupo lamang sa kama si Usha.
"Hay naku ang tagal naman ng bipolar na yon..." Inis na nangalkal na lang ng mga tambak na gamit doon si Usha.
Umalis sandali si Eos at pinatawag ito ng Daddy nito sa library para kausapin. For sure pasok na naman sa kabilang tenga at labas sa kabila ang mga sasabihin ng daddy nito. Matigas talaga ang ulo ng kaniyang fiancee.
Sa kakakal-kal niya ng mga gamit ay nakakita siya ng album. Out of curiousity ay binuklat-buklat niya yon. Mga lumang pictures nila Eos at Kye noong bata pa sila.
Ahh.. naalala niya na, inilagay iyon ng Mommy ni Eos sa kwarto nila noong unang araw niya pa lamang sa mansyon.
Bumalik siya sa kama para usyusuhin ang mga litrato.
"Eeee... ang cute pala ni Eos noong bata pa siya." Aliw na aliw si Usha sa pagtingin sa mga pictures.
Sa lahat ng pictures doon mula pagkabata ni Eos hanggang pagbi-binata ay nakasimangot ang lahat ng mga kuha nito. Ang kulit... seryoso sa lahat ng pictures pero ang cute pa din ng mukha ng lalaki. Singkit na singkit ito noong teen ager pa lamang at cute din naman ang kapatid nitong si Kye. Bakit may pakiramdam siya na napakalayo ng loob ni Eos sa pamilya nito?
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
