Chapter 13: Weirdos

472 6 0
                                        

HINDI MAKAPANIWALA si Kiko habang naglalakad palabas sa Subdivision na tinitirahan na ng kaibigang si Usha. Hawak-hawak niya ang tila napilay na braso.

Nakapagtataka kasi napakalakas ng dalagitang si Kye.

Bigla na lamang itong nagtatakbo matapos makitang halos hindi na siya makagalaw sa sobrang sakit ng pagpilipit na ginawa nito sa braso niya.

Nagulat din ang dalagita sa nagawa kaya nagtatakbo ito.

Pakiramdam niya ay lalaki ang kabunuan niya kanina lang. Napakamisteryosa sa kaniya ng batang yun at ewan dahil pakiramdam niya ay nasa panganib si Usha habang naroroon ito sa malaking bahay na yun.

Hindi na niya nakita pa ang dalaga... Gusto niya lang naman sana itong kamustahin dahil nami-miss niya na ito subalit nakabanggaan niya pa kasi ang makulit na kapatid ni Eos na si Kye.

Hindi na naman tuloy mawala sa isip niya ang magandang mukha ng dalagita...

"Kailangang maunawaan ko ang lahat... Alam kong may mali sa pamilyang yun... Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko natutuklasan kung ano man yun..." Buo ang loob na tuluyan ng umalis si Kiko.

--

SA KWARTO...

ASAR na napasalampak sa higaan si Usha.

Naiinis na talaga siya sa malamig na pakikitungo ni Eos sa kaniya.

Ano bang akala nito sa kaniya? Isang laruan?

Ano ba siya sa bahay na yun ? Display?

Naiiritang isinubsob niya ang mukha sa unan.

"Kapag hindi siya nagbago bago kami ikasal ay lalayasan ko talaga siya! Pwede ko namang pagtrabahuan ang perang ibinibigay niya sa nanay ko..." Diskumpyado din siya sa mga sinabi niya. Alam naman niyang hindi niya kayang bayaran ang binata at mas lalong hindi niya din ito kayang iwanan.

Magkatabi nga sila sa buong magdamag... Magkayakap pa nga sila eh! Pero hanggang ganoon lang. Mabait naman si Eos lalo na pag natutulog!

"Grabe! Ganito pala ang buhay niya... napaka misteryoso! Maski mga magulang niya nahihirapang pakisamahan siya! Ano pa kaya ako na isang bago lamang na kakilala? Pag ikinasal kami eh anong buhay kaya ang naghihintay sa akin?" Pabiling-biling siya ng higa sa kama.

Problema niya pa ang malditang si Kye...

Paano niya kaya mapapaamo ang isang yun?

Mabuti na nga lang at napaka bait ng mga magulang ni Eos.

Inis na pumikt na lamang si Usha, malamang hating gabi na naman uuwi ang magaling na lalaking yun! Palagi namang ganoon, ang nakakainis pa nagugulat na lamang siya sa kalagitnaan ng gabi na may bigla ng yayakap sa kaniya at tatabi sa kama.

Nakakatuwa pa nga dahil bahay naman iyon ni Eos pero sa bintana pa din dumadaan ang binata...

WEIRD!

JAMILLEFUMAH

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now