THE AWARD FOR WINNING YOU IS HAPPINESS!
-Julius Trevor
NEW LIFE...
"Two hearts, two minds, in time did find
one love, one aim, two paths the same.
Rejoice! Hold fast! And love will last!"
*
Lahat ata ng lakas ni Usha ay naubos sa kanilang kasal ni Eos. Kaya ito siya ngayon bumabanat ng kain sa reception!
Kain kung kain!
Pakialam ba nila? Moment niya to diba?
Natigil lang siya sa pagngab-ngab sa hita ng manok ng lapitan siya ng kaniyang hipag na si Kye. Sa wakas ay nagpakita na rin ito sa kanila... saan nga ba ito nagsuot kanina? Kasabay pa nitong naglaho ang kaniyang kababatang si Kiko.
"Hoy magdahan-dahan ka sa pagkain mo! Look! They are all staring at you? Baka isipin nila na ginugutom ka namin!"
Napahiya naman siya. Sana pala hindi na lamang nagpakita ang dalagita.
Binalingan niya ng tingin ang katabi.
Her husband...
Poise na poise ito habang kumakain.
Yung kaing mayaman na di tulad niya na parang mauubusan!
"Awww!"Napahawak siya sa tiyan niya.
"Why?" Napatingin si Eos sa kaniya.
"E-ewan... Biglang sumakit ang tiyan ko!" Impit na sagot niya.
"Ha?" Nagtaka naman ang lalaki lalo na sa nakikita nitong pamumutla ng mukha niya.
"W-wala Toh... Okay lang ako... " Nauutal na sagot niya. Kasi ba naman naghalo ang tensyon, kaba at pagka-excited niya kaya parang hindi ata gumana ng maayos ang pangtunaw niya sa loob ng kaniyang tiyan.
"Mam ,Sir start na po ng program..." Isang balingkinitang babae na nakaputi ang lumapit sa kanilang dalawa.
Hula ni Usha ay ito ang wedding planner na laging kausap ng mommy ni Eos.
Sa kabilang table naman ay maingay na kumakain ang Nanay ng bride kasama ang mga kaibigan nito.
"Mare! Pag siniswerte ka nga naman eh noh? Instant donya ka na!" Halos talsik-talsik pa ang laman ng bibig ng babaeng nagsa-salita.
MALAWAK NA NAPANGITI si Carmelita Lopez. "Aba'y oo naman! Hindi ko naman palalakihin ang anak ko na hindi ko mapapakinabangan! Utang na loob niya sa akin ang buhay niya kaya nararapat lamang na suklian niya yon!"
"Swerte ka na talaga! Mabuti na lamang at hindi natuloy ang pagpapalaglag mo kay Bashang noon ano? Kung natuluyan 'yon, malamang eh nasa looban ka pa rin ngayon at nagti-tyaga sa barong-barong niyo!" Walang prenong sabat naman ng isa pa niyang kasama.
Nag-iba naman ang mukha ng nanay ni Usha. Hindi niya nagustuhan ang pagkadak-dakera ng nagsalita. "Hoy Boyang! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo! Lintek kang mahadera ka ha?! Gusto mo bang palayasin kita rito ? Punyeta ka ah! Kung 'yang si Bashang ay tuluyan kong naipalaglag noon malamang ngayon eh teacher na ako! Natuloy sana ang pag-aaral ko at sana'y pinakasalan ako ng nobyo ko noon! Hindi pa rin mababayadan ng anak ng demonyong 'yan ang buhay na ninakaw niya sa akin mula ng ipagbuntis ko siya! Punyeta ka Mare ah?! Panira ka ng araw!!!" Malakas ang boses na tungayaw niya.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.