Chapter 55: Mad Husband

424 8 1
                                        

xxEOSxx

'To the most beautiful girl I've ever seen'

Napakunot ang noo ni Usha nang mabasa ang nakasulat sa card. Pindalhan siya ng flowers ni Kendo? Pero bakit? Ibinaba niya ang bouquet ng pulang rosas sa mesitang nasa gilid ng sala. Ipinag-kibit-balikat na lamang niya iyon.

Nang sumunod na araw ay mga puting Tulips naman ang natanggap niya mula rito. Umaga palang ay naroon na ang delivery boy ng nasabing bulaklak. Binasa niya ang nasa maliit na card.

'Thank you for being my friend.'

Bago sumapit ang araw ng Sabado ay may natanggap na naman siyang bouquet ng bulaklak. Sunod-sunod na araw na at alam niyang hindi na iyon nalingid sa kaniyang asawa bagamat hindi naman nagsa-salita si Eos tungkol dito.

'I hope you're okay... Haven't seen you for a while now. And I miss my friend.'

Nagulat siya nang sumulpot sa likuran niya si Andrea. Nakangiti ito habang minamasdan ang mga naipon ng bouquet ng bulaklak sa isang gilid ng sala.

"Sino ang nagpapadala ng mga bulaklak sa'yo ate? Nakakatuwa naman. Kahit may asawa ka na eh may suitor ka pa rin. Ang ganda mo kasi at ang BAIT pa..." Anito habang kinukuha pa ang bouquet ng tulips.

HINDI na siya niya nasagot pa ang sinasabi ni Andrea nang makarinig siya ng tikhim mula sa kaniyang likuran.

"E-Eos!" Napamulagat siya. Ang aga yata nito ngayon?

"Hi." Tipid lang siya nitong nginitian.

Lumapit siya rito para halikan ito sa pisngi trying to divert his atention mula sa matalim nitong tingin sa mga bulaklak na hawak-hawak ni Andrea sa kaniyang likuran. Hinila niya na ang lalaki patungo sa hagdanan.

"Magbihis ka na..."

"Bakit nagpapadala pa rin ng bulaklak sa'yo ang Kendong iyon."

Kabadong tiningnan niya ito. Seryoso ang mukha ni Eos. "H-Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na tumigil na siya. Isa pa, friendly-"

Ngumiwi ito. "Ayoko na nililigawan ng kung sino ang asawa ko."

Napangiti na siya sabay yakap sa bewang nito. "Hello? Nagpapaligaw ba ako? Hayaan mo pag nakita ko iyon, lagot sakin iyon."

Hindi ito kumibo. Para bang may malalim na iniisip. Kinabahan naman siya lalo.

"Eos..." Hinaplos niya ang braso ng lalaki nang makapasok na sila sa loob ng kanilang kwarto.

Tiningnan siya nito at saka umiling na para bang nahihirapan. "Kaya nga gusto kong mabuntis ka na... Siguro naman pag malaki na ang tiyan mo ay wala nang manliligaw sa'yo." Tumungo ito para idantay ang noo sa kaniyang noo.

Napalabi siya. "Iyon pala ang talagang dahilan mo."

Ngumiti si Eos at hinaplos ang kaniyang pisngi. "I love... And you are mine... Only mine."

Pero kahit nakangiti ito ay hindi nakaligtas kay Usha ang pagbabaga ng mga mata ng kaniyang asawa. Nakita niya na ang tingin na iyon... noon. Ang mga tinging sana'y hindi niya na makita pa. Napapikit siya para iwasan ang nakakatunaw na mga mata ni Eos. Parang nanikip ang kaniyang paghinga at bigla siyang kinilabutan.

Itinaas niya ang kaniyang isang palad para himasin ang pisngi ng lalaki patungo sa leeg. Pinapakalma ito ng mga haplos niya. "E-Eos... Sa'yo lang ako... Hindi ka dapat nag-aalala..." Kilala niya ito. Masamang magalit ang asawa niya. At dapat maaga palang ay mapagsabihan niya na si Kendo. Kung bakit ba naman kasi may mga ganoong pakulo pa ang huli.

Napamulat siya nang hapitin siya ni Eos sa bewang. "C'mon." Anito.

"Ha?" Mukhang okay na ito. Wala na ang nagbabagang tingin sa halip ay kasing lamig na naman ng yelo ang mga mata nito. "Saan tayo pupunta?" Hinila siya ni Eos.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now