Chapter 52: Tantrums

365 5 0
                                        

xxEOSxx

"EOS!" Tawag ni Andrea sa bayaw. Inabangan niya talaga ito sa lanai dahil alam niyang maaga itong uuwi at gagabihin naman ang kaniyang ate Usha.

"What?" Pormal ang mukhang hinituan siya nito.

"Ah... K-Kasi..." Gusto niyang tampalin ang sarili dahil sa pagka-utal niya. Madyadong intimidating ang titig ng mga mata ni Eos kaya bigla na lang nawala ang dila niya.

Bumuka ang mga labi ni Eos. "What? I'm in hurry, Andrea."

Napalunok siya. Suplado talaga ang isang ito. Mabilis siyang nag-isip ng rason. "Ah kasi, may assignment ako... Sabi ni ate Usha ay magaling ka raw sa Math."

"Gusto mo bang ikuha ka namin ng tutor?" wala pa ring emosyong tanong nito.

"No! I mean okay lang ako... Ngayon lang naman ako nahirapan sa assignment ko." Ngumiti siya. Ngiting hindi mahihindian ng kahit sinong lalaki -ewan na lang sa isang ito.

Nagsalubong ang mga kilay ng kaharap. "Magpapatulong ka sakin?"

"S-Sana..." Nauutal na namang sagot niya. Ilang beses siyang napamura sa isipan! Bakit ba nanghihina siya at nawawalan ng tapang kapag kaharap niya ang lalaking ito? Anong meron kay Eos?!

"I'm busy Andrea." Saka siya nito nilampasan.

"Teka Eos!" Hinila niya ito sa laylayan ng polo nitong suot.

Naging iritable ang lalaki. "What?"

Gusto niya ng tumigil sa pangungulit rito pero nilabanan niya ang hiya at pagka-asar. Hindi pwedeng magpadala siya sa kahinaan niya. Pinalungkot niya ang kaniyang mga mata gaya ng nararamdaman ng puso niya ngayon.

"Pwede bang magtanong?" Mahinang anas niya.

Hindi kumibo si Eos.

"Bakit pakiramdam ko'y ayaw mo sakin?" Shet. Totoong nalulungkot siya sa FACT na iyon! "I mean, parang ilag ka sakin. Bakit Eos? Anong nagawa ko?"

Tumalim ang mga mata ng lalaki na ikina-atras niya. "Don't push me to answer your question little girl." At saka nito tinabig ang kamay niyang nakahawak sa lapel ng polo nito.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now