Chapter 38: Tears And Lots Of Blood

437 10 0
                                        

x E O S x

AT si Carl naman ay patungo sa gawi nila Usha. Pero maagap na humarang si Carmelita dito.

"Hayop!!! Kayo ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko!!!"

Isang malakas na sampal naman ang natamo ni Carmelita mula sa lalaki. Halos tumilapon ito at nawalan ng malay.

"Inaaayyyy!!!" Napasigaw naman si Usha.

Agad namang hinarangan ni Kiko ang mga babae. "Kye, iakyat mo sila sa kwarto madali ka!!!" Utos ng binata.

Agad na sinunggaban ni Carl si Kiko. Pilit namang humuhulagpos ang binata mula sa halimaw subalit hindi nito kaya ang lakas ng bampira.

"Kikoooo!!!" Sabay pang sigaw nina Usha at Kye.

"Bitawan mo siya!!!" Tila isang mabangis na hayop na sinalakay ng dalagitang si Kye ang lalaking sumasakal kay Kiko. Namumula ang mga mata ni Kye.

"Aba't lalaban ka!!!" Isang hagupit naman ang ibinigay nito sa dalagita sanhi upang tumilapon ito dingding.

"Kye!!!" Umiiyak na dinaluhan naman ni Hani ang bunsong anak. Bagsak ang katawan ni Kye sa sahig at bahagya pang pumutok ang mapulang labi nito.

"K-Kye..." Hirap na tawag ni Kiko sa dalagita, kitang-kita nito ang namumulang mga mata ni Kye. Itinaas si Kiko sa ere ni Carl na hawak lamang ang leeg. Pinagta-tadyakan nito ang tiyan ng bampirang kaharap pero hindi ubra ang lakas ng mortal sa isang demonyong kagaya ni Carl.

Akmang dudukutin na ni Carl ang tiyan ni Kiko ng biglang sumigaw si Kye. "WAGGGGG!!!!" Nagpilit na makabangon ito, pero niyakap ito ng mahigpit ni Hani.

Napigilan din iyon ni Sab na agad na sumugod sa gawi ni Carl. Bumagsak naman sa sahig ang nanghihinang si Kiko.

Talsik ang bampira, subalit muli itong bumangon. "Ipag-hihiganti ko ang kuya Kiron ko!" Ang maputlang si Carl.

"Hindi ako ang pumatay sa kaniya... Kundi ang mga kalahi niyo din. Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nagsisi si Kiron... Tinalikuran niya na ang mga kasamaan ninyo..." Malungkot na wika ni Sab.

"H-Hindi ako naniniwala!!!" Galit na sumugod muli si Carl sa sugatang si Sab.

Pero isang malakas na tadyak ang ibinigay ni Sab dito.

Tumalsik naman ito sa kinatatayuan ni Eos.

Si Eos na tila natutulala pa sa dugong nakabalot sa mga kamay nito. Ang aura ni Eos ay ibang-iba na sa aura nito noon. Nasa mga mata nito ang labis na pagkagalak sa dugong nakikita, at nasa mga labi nito nakaukit ang isang ngiti na nakakakilabot.

Hindi pa nakakatayo ang lalaki ay agad na itong kinubabawan ni Eos. Nagpapa-pasag si Carl pero higit na mas malakas ang anak ni Sab. Itinarak nito ang kanang kamay sa dibidb ng kaaway.

Pero lumalaban pa din si Carl. Humulagpos ito sa lalaki kahit pa hinang-hina na. Akmang tatakbo ito palayo pero mas mabilis ang mga kilos ni Eos na hindi papayag na matakasan!

Iba ang ang pakiramdam ni Eos ngayon... Humihiling pa ng mas madaming dugo ang kaniyang mga uhaw na kamay.

"TAMA na Eos..." Pagmamakaawa ni Hani sa anak. Hindi niya na kayang makita pang nagkakaganoon ang kaniyang anak. Hindi niya na ityo kayang makitang ganoon! Parang pinipira-piraso ang puso niya... Hindi niya matatanggap na maging bampirang walang puso ang kaniyang anak... Hindi kailanman!

Pero madilim na ang paningin ni Eos. Nagbabaga ang mga mata nito. Dire-diretso ito sa patakbong si Carl at walang sabi-sabing itinarak sa likod nito ang isang kamay. Lumagos iyon sa katawan ng kaaway.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now