Chapter 18: Just Married

446 5 0
                                        

....

Ilang beses pa ba siya dapat mapahiya sa harapan ni Eos?

Sa harapan ng ibang tao?

Hindi naman niya kasalanan kung first time niya lang makasakay ng elevator at escalator. Isang 'tor' lang naman kasi ang nasasakyan niya sa palengke eh... Yung karag-karag na motor ni Kiko na ginagamit sa pagde-deliver ng gulay!

First time niya ring kumain sa isang 5 star na restaurant... First time niya ring makahawak ng menu na dudugo ang ilong mo dahil sa super 'English' ang mga nakasulat doon. Mas gugustuhin niya pang umorder na lang ng isang basong tubig kesa pasakitin ang ulo niya kung paano i-pronounce ang mga nakasulat doon sa menu.

At alam ni Usha ng marami pa siyang pagdaraanan...

Mahirap din palang makapangasawa ng mayaman...

Este magkaroon pala ng mapapangasawang mayaman. Kasi hindi pa naman sila kasal...

A garden wedding...

Ikakasal pa lang sila mamaya.

Bilis noh ?

Yes mamaya na...

Mamaya na sila ikakasal ni Fafa Eos !

...Teka anong oras na ba?

"Oh my gulay! Jerushaaaaa"

Halos magkanda-dulas-dulas si Usha sa sahig ng banyo. Tinanghali na siya ng gising !

IKAKASAL NA PALA SIYA NGAYON ! OO! AS IN NGAYON!!!

"Nalintikan na oh! Ngayon pa ako tinanghali..." Agad siyang nag-shower.

Hindi siya pwedeng ma-late dahil nakakahiya sa mga bisita. Malamang mayayaman yung mga panauhin ng pamilya ni Eos. Lalo na ang maldita niyang hipag na si Kye.

Maya-maya lang kakatukin na siya ng baklang mag-aayos sa kaniya.

"Anak ka ng tipaklong Uh-oh!" Binalot niya agad ang sarili sa tuwalya.

Pano di siya nakatulog ng maaga kagabi. Excited much lang. Si Eos naman sa guestroom pinatulog ni mommy Hani at Daddy Sab. Buong gabi tuloy siyang mag-isa.

After the wedding lilipad daw sila ni Eos patungong Hongkong for their 1 week honeymoon. Taray noh? Oo Hongkong nga! First time na naman siyang makaka-sakay sa airplane! Yahooo!

Makakarating na rin sa Disneyland ang ating si Usha.

...

-HIM-

Black tuxedo at isang pulang rosas sa kaniyang dibdib.

It's his wedding...

At his young age ay magpa-pakasal na siya... Umaasang sa ganitong paraan ay magiging normal na ang takbo ng buhay niya.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now