Chapter 40: Patikim

442 6 0
                                    

[ Ang mababasa niyo ay medyo malayo sa katotohanan. Patikim muna. Mababasa niyo ulit ang parteng ito sa second part ng EOS.]

Dedicated sa lahat ng sumuporta sa aking asawa. Haha @AbbyMoore6 , asawa ka din pala ni E.! Ang dami pala natin wahahahah

x E O S x

NAKASUOT siya nang kulay dilaw na bestida habang nakatayo sa harapan ng life sized mirror sa kanilang silid.

"AKO si Mrs. Jerusha Lopez Tan!" Malawak ang ngiting wika niya sa harapan ng salamin.

Umikot pa siya ng isang ikot. Simple lamang ang tabas ng kaniyang dilaw na bestida. May kahabaan iyon subalit sexy pa din siya kahit medyo nagkalaman na ang kaniyang dating petite lang na katawan. Hinayaan niya lamang din na nakalugay ang kaniyang alon-along buhok.

Tinitigan niyang muli ang sariling repleksyon sa salamin. "Ako lang naman ang ma-swerteng babaeng pinakasalan ng heartthrob na si Eos Geryon Tan." Nakangising kausap niyang muli sa sarili.

Para lamang siyang baliw na nagsa-salitang mag-isa. Eh ano ngayon? Eh sa tunay namang nabaliw na siya mula pa nang mahalin din siya ni Eos. Kahit sino naman yata ay mababaliw sa lalaking iyon!

Sobrang guwapo! Ang kinis ng balat! Ang bango! Ang porma kahit pa effortless iyon sa araw-araw! Kahit pa nga yata gusot-gusot ang isuot ng asawa niya ay pwede pa din itong pang ramp model!

At higit sa lahat ng assets nito ay ang... 'killer eyes'!

Doon siya unang tinamaan eh! Iyong tingin pa lang, ulam na!

May talent kaya ang mga mata ni Eos! Iyong pag tiningnan ka ay hihimatayin ka na agad sa kilig.

Kaya heto, palagi siyang kabado. Eh kasi naman, kahit alam na yata ng buong mundo na 'taken' na ito ay madami pa ding nagpapa-cute na girls dito.

Pero anyway, mapapagod lang sila sa pagpapa-cute.

Dahil isa lang naman ang cute sa mga mata ni Eos eh! Walang iba kung hindi siya.

Hindi pa siya nakontento at umikot pa siya ulit sa harapan ng salamin. Hinaplos-haplos niya pa ang kaniyang makinis na pisngi na walang ano mang bahid ng cosmetics.

Bumaling ang maamo niyang mukha sa kwadradong frame na nakasabit sa dingding ng silid. Ang litrato ng kanilang kasal ni Eos.

Ngiting-ngiti siya doon samantalang ang kaniyang asawa naman ay blangko ang ekspresyon ng mukha.

Bahagya siyang napa-simangot. "Ang aking saksakan ng pogi pero super tahimik na asawa! Iyon bang panis palagi ang aking laway!" Napahagikhik pa siya.

Humakbang siya palapit sa frame. "Pero kahit ganoon siya... Mahal na mahal ko siya."

Itinaas niya ang isa niyang kamay para haplusin ang larawan nila. Unti-unting lumamlam ang kaniyang mga mata na tila ba nais nang maiyak... ngunit iyon ay luha nang kaligayahan. "Kasi siya lang naman ang daddy ng aking magiging babies!" Maramdaming saad niya.

Muli siyang napangiti sabay haplos ng isa naman niyang kamay sa kaniyang impis pang puson. "Babies? Oh yes, babies!"

Hinaplos-haplos niya ang kaniyang tiyan nang pataas at pababa, sirkular na paraan. "Kasi sabi ng OB ko ay kambal ang baby ko!" Matamis na muli ang ngiting nakapagkit sa kaniyang mga labi.

Inayos niya na ang kaniyang sarili at humakbang na palabas nang naturang silid.

BUMABA na siya sa hagdanan nang kanilang malaking townhouse. Matapos kasing maipagawa ang bahay na iyon sa New Manila ay lumipat na sila agad na mag-asawa. Marami na din ang nangyari matapos nilang maka-graduate ng college. Nauna lamang si Eos sa kaniya ng ilang taon at pagkatapos ay siya naman ang nagtapos ng kolehiyo.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now