Chapter 67: He Will Kill For His Wife

400 10 0
                                        

x EOS x

"PAKAWALAN MO AKO ZAMANTHA."

"At bakit ko gagawin?" Dinaklot nito ang buhok niya.

Napaigik siya sa sakit pero tiniis niya. Titiisin niya.

Pak!

"Ahg!" Subsob siya sa dingding. Bahagya pang gumewang ang upuang pinagkakatalian sa kaniya. Mabuti na lamang at hindi iyon bumagsak.

Muling dinaklot ni Zamantha ang buhok niya.

Pak!

Pak!

"Kasalanan mo! Kasalan mo lahat ng ito!!!" Galit na galit na bulyaw nito. Nagtatalsikan pa ang laway nito sa mukha niya.

PAK!

Mas malakas iyon. Pakiramdam ni Usha ay umikot ang paningin niya dahil sa pagkakasapak nito.

"Agh!" Dumura siya ng dugo. "T-Tama na!" Tumingin siya kay Zamantha. "Tama na Zamantha..."

Pero nagliliyab na sa galit ang babae. "Mamatay ka na lang sana!" Tumalikod ito sa kaniya...

akala niya at titigilan na siya nito,

pero hindi...

kumuha lang pala ito ng ipapalo sa kaniya!

ISANG SIRANG KAHOY!

Hindi!

Hindi siya maaaring masaktan nito ng husto!

Inipon ni Usha ang natitirang lakas niya at saka niya hinila ang kaniyang mga nakagapos na kamay sa kaniyang likuran. Halos mabali ang sandalan ng upuan dahil sa pwersahang kilos niya.

Kahit nangangatog ang mga tuhod ay tumayo siya at itinulak ang papalapit na si Zamantha.

"Tumigil ka na!!!"

Talsik ito sa kabilang dingding.

"Agh..."

Nilapitan niya ito. "Tama na sabi Zamantha!!!"

Manghang napatitig sa kaniya ang napahigang babae sa sahig. "P-Paano mo nakalas ang pagkakagapos sa'yo?" Nagpilit itong bumangon kahit halatang napilayan ito sa pagtalsik nito. "H-Halimaw ka..."

Pak!

Siya naman ang sumampal dito.

Halos tumabingi ang mukha nito. Nang balingan siya nito ay nakita niyang dumugo ang gilid ng bibig nito at namula nang husto ang pisngi nitong sinampal niya.

Nangalit ang ngiping sinugod siya nito. "Hayop ka! Halimaw!!!"

Hindi napansin ni Usha na hawak na muli nito ang kahoy. Huli na para makaiwas siya sa paghampas na gagawin nito sa kaniya.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now