Chapter 9: First Kiss

543 6 0
                                        

"DAD!!! Mom!!!"

 

Mula sa main door ay pumasok ay isang dalagita na nasa edad disi sais.

Nakapuyod ang maiksi nitong buhok sa lalong nagpaliit sa cute na mukha nito. Pinkish ang nguso nito dahil sa kulay ng lipstick na gamit-gamit.

Kung titingnan ay malalaman agad na isa itong anak mayaman dahil sa mala porselana nitong kutis at magandang kasuotan.

"Kye!" Sinalubong ni Hani ang bunsong anak. Dalawa lamang ang naging anak nila ni Sab. Ipinangalan niya sa yumaong kaibigan ang kanilang nag-iisang anak na babae.

Nakasimangot ang maganda nitong mukha at pasalampak na umupo sa malaking sofa sa gitna ng sala. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

Spoiled sa kanila ang kanilang bunso kaya naman may pagka-bratinella ang ugali nito subalit mabait naman ang dalagita kahit ganoon.

 

"Si kuya!" Nakangusong umpisa nito.

 

"Oh bakit anong ginawa ni Eos?" Halos sabay pa silang nagtanong.

"Pumunta siya sa school kanina! Tapos binugbog niya 'yong manililigaw ko! Kung hindi pa siya inawat ng mga guards muntik niya pang mapatay si Ryan.!" Tukoy nito sa manliligaw.

"I hate kuya! Lahat na lang ng mga nanliligaw sa akin kung hindi takutin ay binubugbog niya! I hate him! Para siyang monster eh! I really hate him! Kaya pag nagka girlfriend siya lagot din sa akin ang magiging girlfriend niya! But for sure hindi siya magkaka girlfriend kasi nga monster siya!" tuloy-tuloy ang bibig ng dalagita.

Nagkakatinginan na lamang ang mag-asawa. Kilala nila si Kye, galit talaga ito sa lagay na 'yon.

 

"I hate kuya! Ryan is so cute pa naman!" maktol pa nito.

 

"Hep-hep... Anong cute-cute ka diyan ha?" Nakapameywang si Sab sa harapan ng anak. "Bata ka pa. Baka naman dinidigahan ka noong Ryan na 'yon kaya siya binugbog ng kuya mo? Eh kung ako din 'yon baka binugbog ko din yang Ryan na 'yan eh." Wika ni Sab.

 

"Sab!" Nandidilat naman ang mga mata ni Hani sa asawa.

 

"Daddy naman eh!" Inis na tumayo ang dalagita at nagmamartsang umakyat na sa hagdan.

 

"Kebata-bata pa... Ligaw-ligaw na." Naiiling na napaupo na lang si Sab sa sofang tinayuan ng anak.

Natatawa namang tinabihan si Sab ni Hani at niyakap. "Sus ikaw talaga! Syempre maganda ang anak natin kaya normal lamang na maging ligawin siya. Ako nga noon ay grade 6 palang madami ng nanliligaw eh..." Nakangiting humilig siya sa balikat ng lalaki.

 

"Aba ikaw ha..." Humiwalay si Sab sa asawa.

Natatawang niyakap siya ulit ni Hani. Kahit marami ng taon ang lumipas ay sweet pa rin sila sa isat-isa.

SAMANTALA sa silid naman ni Eos. Nananatiling nakatayo lamang si Usha sa harapan ng kama habang pumasok naman sa banyo ang binata. Narinig na lamang niya ang lagaslas ng dutsa na nangangahulugang naliligo si Eos sa loob.

Pakiramdam niya ay napasubo siya sa sitwasyong iyon. Hindi niya akalaing hahantong sa ganoon, pero ayos na ang ganito kesa naman doon siya sa kabaret ni Diego napunta. Nahihiwagaan kay Eos pero sa kaibuturan ng kaniyang puso ay batid niyang mabuti itong tao.

 

Wala sa loob na nahiga siya sa kama nito.

Nakadipa ang kaniyang dalawang kamay na animo'y ulap ang kaniyang kinahihigaan. Ang sarap ng pakiramdam ng hanging nagmumula sa aircon ng silid at napakalambot ng kama. Ngayon pa lamang siya nakahiga sa ganoong higaan, sanay siya sa kaniyang masikip na folding bed pero mas masarap pala kapag kama ang iyong hinihigaan.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, napakasarap talagang mahiga doon parang hinihila siya ng antok at relax na relax ang kaniyang buong katawan.

 

SI EOS NAMAN ay palabas na ng banyo ng bigla siyang natigilan pagkakita sa dalagang si Usha.

"Tulog na naman?" Naiiritang nilapitan niya ang babaeng akala mo ay nakahiga sa alapaap dahil nakadipa pa ang dalawang kamay.

Pinagmasdan niya ang nahihimbing na kagandahan sa kaniyang harapan.

Ang malapuso nitong mukha at ang natural na mamula-mulang labi na tila ba kay sarap damhin. Maganda nga si Usha at hindi niya iyon maipagkakaila.

Iba ito sa lahat ng babaeng nakasalamuha niya sa ibat-ibang university na kaniyang pinagmulan. Hindi man ito sosyal ay taglay naman nito ang kakaibang simpleng kagandahan.

Wala sa loob na hinaplos niya ang malasutla nitong pisngi.

Hindi niya alam kung ano ba ang balak niya sa babaeng ito o kung ano ba ang mangyayari matapos niya itong iuwi sa kanila pero isa lamang ang nasisiguro niya... nag-aalala siya na umuwi itong muli sa lugar na 'yon. Ayaw niyang mapahamak si Usha.

Sa unang pagkakataon may naramdaman siyang pag-aalala para sa ibang tao at nagpasya na siyang alagaan ang damdaming iyon. Naniniwala siyang isa siyang normal na tao at si Usha ang susi para matupad 'yon.

Hindi niya namalayan na gahibla na lamang ang pagitan nila ng dalaga at tila ba may sariling isipan ang kaniyang mga labi upang abutin ang natitirang pagitan na iyon. Parang nahihipnotismo siya sa mabango nitong hininga.

NAALIMPUNGATAN NAMAN ANG naidlip na babae. Akala niya panaginip lamang na may kahalikan siya, subalit wala itong mukha kaya natakot siya at sa kaniyang pagdilat ay mukha ni Eos ang kaniyang nabungaran. Nakakalasing ang halik ng lalaki!

Iyon ang una niyang halik at nagmula pa sa isang lalaking hindi naman niya lubos pang kilala!

Subalit pasaway talaga ang kaniyang puso na nag-uutos sa kaniyang damahin pa lalo ang mga labi ng binata. Kusa na ding pumulupot ang mga kamay niya sa leeg nito.

Nang maramdaman naman ni Eos ang pagpapaubaya niya ay parang lalo itong nag-init, napaungol pa ito nang madamang gumaganti siya ng paghalik dito.

 

Sa isip ng binata ay napakalambot ng katawan niya na pinapatungan nito... Mas nagningas ang init sa pagitan nilang dalawa.

"Eos..." Parang nahihibang na tawag niya sa pangalan nito. Kalahati ng diwa niya ay tila natutulog pa...para siyang nasa ilalim ng masarap at magandang panaginip.

JAMILLEFUMAH

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now