Uunahan ko na kayo ha? THIS chapter is X for Usha & Eos :D
Drop yer comments below!
@mjvelasc0 this chapter is for you! Namangha ako sa flood votes mo sa mga stories ko. :D
x
AFTER ng huling subject ay nagkita na muli sina Usha at Bree.
"And she's here!" Maarteng sabi ni Ally.
"Uh... The nerve na magpagala-gala pa dto sa Campus!"Gigil na sabi naman ng katabi nitong si Claudia.
Wala namang imik si Zamantha sa kinauupuan nito. Nasa dulo ang tatlo ng hallway at hindi ito napapansin ni Usha at ni Briana.
SA UPUAN nila Usha...
"Hindi talaga ako makapaniwala bestfriend! Until now ay di pa din ako maka get over doon ha!" Wika ni Bree habang naglalakad sila.
Papunta sila sa library noon para mag review.
"Kahit ako ay hindi din makapaniwala na asawa ko siya..." Nangingiting sabi naman ni Usha.
"Grabe! Ang swerte mo talaga! As in super lucky! Akalain mo 'yon? Nayayakap mo siya, nahahalikan at nakaka-'ano' pa anytime na gustuhin mo!!! Eeeee!!!"
"Hoy! Anong nakaka- 'ano' ka diyan?!" Natatawang baling ni Usha sa kaibigan.
Napahighik naman si Bree. "Sus! Alam mo na 'yon noh!!!"
"Hindi kaya..." Nakangusong sagot naman niya.
Pumasok na sila sa loob ng library at naupo sa isang bakanteng pwesto.
"Wow! Ano ba yan? Pati ba naman dito sa library ay super lamig din?" Si Usha na yakap na yakap sa sarili.
"Okay na dito kesa sa labas tayo noh?! Dito hindi tayo maaaway nila Zam!" Nakatawang sabi ng dalaga sa kaniya.
Matagal-tagal din silang nagbasa sa library kaya naman medyo nakalimot na din si Usha.
x x x
SA KABILANG dako ng library...
KYE
Hawak-hawak niya ang kaniyang tablet habang nagsu-surf sa internet ng mga oras na iyon.
"Hi Kye!" Bati ng ilang kalalakihang dumaan sa harapan ng mesa ng nag-iisang dalagita sa pwestong iyon.
Tamang ngiti lamang ang isinu-sukli ni Kye sa mga ito. Sanay na siyang laging pinagpa-papansinan ng mga lalake sa St. Louise, pero lahat ng mga ito ay walang dating sa kaniya. Lahat naman ng mga iyon ay takot harapin ang kanyang kuya Eos.
Minsan ay natutuwa na din siya sa pagiging over protective ng kaniyang kapatid, atleast nakikita niya ang tunay na ugali ng ma tao sa kaniyang paligid.
Kagaya noong huling nanligaw sa kaniya, si Anthony.
Sisiga-siga, tapang-tapangan pero takot pala sa kuya niya! Napa-ismid ang dalagita. Ang gusto niya sa lalake ay iyong kaya siyang ipag-laban! Iyong kayang harapin ang kuya Eos niya!
Iyon bang parang si...
"Si Francisco Elwood!!!" Napatili pa si Kye ng makitang in-accept na ni Kiko ang kaniyang Facebook friend request. "Eeeee!!!" Impit pa siyang napatili ulit.
Oo parang katulad ni Kiko...
Ayon at kinain niya na lahat ng mga sinabi niya tungkol sa binatang mahirap na kababata ng kaniyang hipag.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
