Chapter 44: Meet Andrea

372 8 0
                                        

xxEOSxx

"POGI! Umaga na po!" Isang matinis at malambing na boses ang gumising sa kaniya.

"Hmn..." Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata para lamang masilayan ang mukha ng babaeng nagpapa-eratiko ng tibok ng puso niya sa tuwina.

"Hello!" Nakangiting bati ni Usha sa kaniya. Nakadapa ito sa tagiliran niya habang nakapangalumbaba. Kahit bagong gising at medyo messy pa ang buhok nito ay napakaganda pa din ng kaniyang asawa...

Iyong gandang hinding-hindi niya pagsasawaang tingnan araw-araw ng buhay niya.

"H-Hi..." Ganting bati niya dito.

Lumawak ang pagkakangiti nito ng magsalita siya. "Kain na tayo, gutom na ako!" Hinila na siya nito patayo.

Wala na siyang nagawa kundi bumangon na din sa kama kahit medyo inaantok pa siya.

Tumayo ito sa kaliwang bahagi ng kama at nagsuot ng roba. Bawat galaw nito ay sinusundan niya ng tingin.

Bawat tikwas ng buhok...

Bawat kibot ng mapupula nitong mga labi...

At bawat pagkurap ng mga mata...

Lahat iyon sa araw-araw ay hindi niya pinaliligtas sa kaniyang matalas na paningin.

Nang makapagsuklay na ito ay magkahawak-kamay na silang lumabas sa kanilang kuwarto.

Sabay na silang pumanaog sa kitchen para mag-almusal. Ito ang masasayang bahagi ng araw niya, ang makasama ito bago siya pumasok sa opisina at kapag uuwian niya na ito matapos ang mahabang araw ng trabaho.

His wife...

His queen...

His loving Usha...

x

USHA

HAPON at maagang umuwi si Eos gaya ng napag-usapan nila. Ngayon nito ipinasundo ang kapatid niyang si Andrea para pumunta sa mansion nila.

Ito na ang araw ng kanilang unang paghaharap...

As in una pa lang talagang paghaharap nila ng kaniyang kapatid sa ina.

Ganoon na lamang ang sasal ng dibdib niya dahil sa sari-saring emosyon.

Ginagap ni Eos ang nanlalamig niyang palad at marahan iyong pinisil.

"Are you nervous?" Bulong nito sa kaniya.

"Medyo..."

"Don't be." Hinila siya nito at niyakap para hagkan sa noo.

Napatango na lang siya.

Tinapik-tapik nito ang pisngi niya at saka siya niyakag na pababa sa sala.

"Mam, sir narito na ho si Carding kasama iyong Andrea." Salubong sa kanila ni Aling Mona.

"Patuluyin mo na Manang." Si Eos ang sumagot dito.

ISANG matangkad na balingkinitang babae ang pumasok mula sa kanilang main door. Ang buhok nito ay lampas hanggang balikat. Mapusyaw ang balat nito at may hugis pusong mukha na natatapukan ng malalantik na pilik-mata, katamtamang ilong at manipis na mga labi.

Sa unang tingin ay mapapagkamalan itong siya, pero hindi dahil ito si Andrea. Si Maria Andrea Bartolome... Ang kaniyang half sister sa yumaong ina niyang si Carmelita.

"Magandang hapon..." Bati nito sa kanila sa nahihiyang boses. Naka-pantalong maong ito at naka fitted T-shirt na kulay asul.

"Hi..." Ganting bati niya dito. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama ngayong nasa harapan niya na ngayon ang kapatid na ipinagkait sa kaniya.

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now