"Sigurado ka na talagang doon mo sa school namin gusto?" Nakangusong tanong ni Kye. Nilalaro-laro nito ng tinidor ang pagkain sa sariling plato.
Nasa harapan sila ng hapag-kainan noon.
At himala ng mga himala... dahil kasama nila si Eos na mag lunch ngayon.
"Na-enroll na ako ni mommy Hani at daddy Sab..." Nakangiting sagot naman ni Usha sa hipag.
"Maigi na din iyan ng mabantayan niya ang asawa niya." Nakangiting biro naman ni Hani.
Namula naman si Usha dahil sa sinabi ng kaniyang biyenan.
Wala namang imik si Eos sa pwesto nito. Wala na din naman siyang magagawa pa eh, nakapag-pasya na ang kaniyang mga magulang pati na din ang kaniyang makulit na napangasawa.
"Well goodluck!" Si Kye na labas sa ilong ang pag-gu-goodluck sa kaniya.
"Excited na nga po akong mag-aral ulit..." Nakangiting sabi naman ni Usha.
"Salamat naman hija at pinagbigyan mo kaming business ad din ang kuhanin mo..."Si Sab.
Nakangiting tumango naman si Usha. "Gusto ko din naman ho ang kursong iyon... Business woman din naman ang dating ko noon sa palengke!"
Natatawang napatango na din si Hani. "Oo nga naman! Experienced na si Usha sa pakikipag-deal sa mga customers!"
"Opo! Magaling po ako diyan! Naku hindi pati ako naiisahan sa pagsu-sukli!"Nakatawang pagmamalaki na din niya.
"That's my girl." Tuwang-tuwa naman si Hani sa kaniyang manugang.
"Ngayon pa lamang ay nakikita ko ng magiging malaki ang parte mo sa pamamahala ng ating mga negosyo." Nakangiting sabi naman ni Sab.
Si Kye naman ay pa-ismid-ismid na lang sa kaniyang upuan.
At si Eos naman ay mukhang wala namang pakialam sa pinag-uusapan nila.
"Naku! Hindi ko po yata iyon kaya?" Nagulat naman si Usha sa tinuran ng kaniyang mga biyenan.
Ipagka-katiwala ng mga ito sa kaniya ang mga negosyo ng pamilya pagdating ng araw?
"At bakit hindi? Mag-aaral ka na hindi ba? Isa pa asawa ka ng aming tagapag-mana... Parte ka na din ng aming pamilya!" Nakangiting sagot naman ni Hani.
Inabot pa nito ang kanang kamay niya para pisilin.
Nahihiyang napatingin naman siya kay Eos na busy sa pagkain.
"Kaya ikaw Eos." Baling naman ni Sab sa panganay na anak.
"What?" walang ganang tanong naman ng lalake sa ama.
"I want you to prepare yourself. Ayusin mo ang pag-aaral mo this year. Kailangan ka na ng ating kumpanya... Isa pa, you're not getting any younger hijo. May asawa ka na... at hindi magtatagal ay magkaka-anak na din kayo ni Usha..." Seryosong sabi nito sa anak.

YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.