Chapter 6: One Point For Bashang!

490 8 0
                                        

ABALA na si Usha sa kaniyang pagtitinda sa may kanto sa kanilang labasan.

"Aleng maganda! Manong na pogi bili muna kayo ng kakanin! Masarap 'to!" Nagsisisigaw ang dalaga habang iwina-wagayway pa ang kamay.

"Bili-bili rin pag may time! C'mon people!"

Si Kiko naman ay amazed na amazed sa kaniyang kababata. Napaka energetic talaga ni Usha.

Nilapitan niya ito at nakisigaw na rin siya upang matulungan sa pagtitinda ang kababata. Napangiti naman si Usha ng makita siya.

 

"Pareng Kiko salamat huh!" Baling nito sa kaniya.

 

"May bayad to'!" Biro naman ni Kiko.

Tinulungan niya itong magtinda hanggang sa maubos na ang mga paninda nitong kakanin, puto at ilang pangmeryenda.

"Oh bakit malungkot ka diyan? Naubos naman ang paninda mo ah..." Baling muli niya sa nakasimangot ng dalaga, nang mapansin ang pananamlay ng huli.

 

"Wala." nakatulis pa ang nguso na nililigpit ni Usha ang mga ginamit sa pagtitinda.

"Teka bakit tila pormang-porma ka ata ngayon ah? Naka lipstick ka pa." Nakatawang puna ni Kiko. Noon lang niya napansin ang itsura ni Usha.

 

NANLISIK ANG KANIYANG mga mata na pinagbalingan ng tingin ang kababata. "Pwede ba Kiko wag mo na nga akong asarin."

"Eh bakit nga kasi?" Pangungulit pa ng lalaki. "Saka kanina pa kita napapansin na palinga-linga ah? sino bang hinahanap mo?"

"Eh kasi iyong mahal ko hindi ko nakita ngayon." Nakasimangot niyang sagot.

 

Nangunot naman ang noo ni Kiko. "Sinong mahal? Totoo ba ang sinabi mong may boyfriend ka na?" May halong pait ang boses na tanong nito.

"Yup." Tumango siya. "Super pogi iyon at mayaman. Iyon nga lang ay mahiyain siya..." Pagsisinungaling niya.

 

Hindi niya napansin ang kirot sa mga mata ni Kiko.

"Sige Bashang una na ako sa looban huh? Baka hinahanap na ako ni Nanay." Biglang paalam ng binata na hindi na hinintay kung ano ang isasagot niya.

Nagtataka namang hinabol niya na lamang ng tingin ang lalaki habang naglalakad ito papasok sa eskinita.

"Ang moody naman noon oh, siguro nag-away na naman ang tatay at nanay niya." Sapantaha niya.

Binuhat niya na ang kaniyang bilao at basket para umuwi na din sa kanila.

Maglalakad na sana siya pauwi ng biglang may mahagip ang kaniyang mga mata.

"Oh my gee!" Hindi niya napigilan ang mapatili. "Juice Colored!!!"

Iyong lalaking nag-angkas sa kaniya nakikita niya ngayon na nakatayo sa katapat niyang kalsada!

At hindi lang iyon, wala ang motor nito dahil ang gamit nito ay isang kotseng kulay itim na nangangahulugan lamang na mayaman talaga ang binata!

Ibinagsak niya na lamang basta ang kaniyang mga dala-dala maging ang basket niya.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumawid siya ng kalsada. Sinuklay niya muna ng kaniyang mga daliri ang kaniyang mahabang buhok bago tawagin ang lalaki.

"Hi." malambing ang boses na tawag niya sa lalaki.

Kaya naman pala, nasira ang sasakyan nito kaya nakatigil ito sa gilid ng kalsada upang ayusin ang sasakyan.

"Need some help?" Muli ay papansin niya dito.

Umangat ang ulo ng lalaki mula sa pagkakatungo nito. Nangunot ang noo nito pagkakita sa kaniya. Syempre inihanda na ng dalaga ang kaniyang pamatay na ngiti.

"Hi... Remember me?" tanong niya dito with matching beautiful eyes!

 

Nanatili namang nakatikom pa din ang mga labi ng lalaki habang pinapasadahan siya ng tingin. Sinamantala ni Usha ang pagkakataon upang makausap ang lalaki.

"Sabi ko na nga ba at magkikita pa tayong muli eh! Distini ba!" Ngumiti siya ng matamis sabay lahad ng kaniyang kamay sa lalaki.

"I forgot na magpakilala kahapon. Ako nga pala si Usha! taga diyan ako sa looban at palagi akong nandito sa kalsadang ito tuwing hapon." Matabil na wika pa niya.

Lalo lamang nangunot ang noo ng lalaki.

Ilang sandali muna siyang tiningnan nito at pagkatapos ay muli nitong ibinalik ang tingin sa sasakyan.

 

Bigla namang nakaramdam ng pagka-irita ang dalaga. 'Suplado talaga!' Pero kailangan niyang pagtiyagaan ang lalaki. Huminga muna siya ng malalim tyaka bumwelo ulit.

"Alam mo ba marunong akong mag ayos ng sasakyan! tambay ako ng talyer diyan sa looban eh." Pagmamalaki niya. Umusod siya at nakiusyoso sa ginagawa ng binata. Hmmmn ang bango! "Kulang lang 'yan sa tubig. May stock ka ba diyan?" Tanong niya.

Umiling naman ito.

Nagustuhan ni Usha ang ginawa ng binata atleast ay nagre-response na ito sa kaniya kahit paano.

Nginitian niya muli ang binata, kailangan makuha niya ang loob nito.

"Okay ganito na lang ha? Samahan mo ako sa bahay namin at kukuha tayo ng tubig. Ayos ba 'yon?" magandang dahilan na din iyon upang makarating sa kanila ang lalaki at ng makita na din ito ng kaniyang nanay.

 

Mukha namang walang balak sumama sa kaniya ang lalaki kaya't napakamot ng ulo ang dalaga.

"Ayaw mo bang maayos ang sasakyan mo?"

 

"Kumuha ka ng tubig at hihintayin kita dito." Sa wakas ay nagsalita na din ang lalaki.

ANO KAMO?!

"Aba abuso ka na!" Napuno na siya sa kasungitan nito. Inis na tinalikuran niya ang lalaki. "Kung gusto mo ay sa kanal ka na lamang kumuha ng tubig para diyan sa kotse mong 'yan!"

Naiinis na siya kahit mahirap lamang siya ay hindi pa siya nakakaranas na baliwalain ng kahit sinong lalaki ano?! Siya kaya ang Binibining Talipapa 2001 sa lugar nila!

"Wait!" Biglang habol ng lalaki.

 

Lumingon siya na nakataas ang kaliwang kilay. "What?!" umi-english na tanong niya. Syempre noh! Marunong din naman siya ng mga sosyal na salita kahit kaunti dahil nakapag highschool naman siya iyon nga lamang ay hindi niya natapos.

"Oh, sige sasama na ako." anito habang lumalakad papunta sa gawi niya.

Lihim naman na napangiti ang dalaga. Tagumpay! "Okay sige bilisan mo."

JAMILLEFUMAH

For The Love of EosStories to obsess over. Discover now