x EOS x
"A-ANDREA!" Napamulagat siya sa babaeng pumasok sa silid na kinaroroonan nila.
"Hindi ako si Andrea! Bitch!" Matalim ang tinging sagot nito sa sa kaniya.
Napailing si Usha. "P-Pero..." Naguguluhan siya at medyo nahihilo pa. Ano bang nangyayari? Bakit siya nasa lugar na iyon? At bakit narito si Kendo at Andrea? Ano ba talagang nangyayari?
At bakit ganito ang aura ng kapatid niya? Nasaan na ang maamong aura nito? Bakit tila napakabagsik na nito ngayon?
Lumakad palapit si Andrea at saka lumuhod sa harapan niya. "Patay na si Andrea!"
Napaawang ang mga labi ni Usha. Ano?! Maging si Kendo ay naguluhan sa sinabi ng kasintahan.
Umismid naman ang babae. "Bakit Kendo?" Angil nito sa lalaki.
"Andrea! Ano bang sinasabi mo?!" Gulong-gulo si Usha. Lalo yatang sumakit ang ulo niya.
Tiningnan siya nito at saka nginisihan. "Hindi nga ako si Andrea! May sakit ang kapatid mo nang makita ko siya! Lumuwas siya sa Maynila para makita ka okay? At sa kasamaang palad ay sakin siya bumagsak. May TB siya, malala na. Ilang araw palang niya sa poder ko ay binawian na siya ng buhay... Totoo iyon. Iyon lang ang totoo sa lahat ng mga sinabi ko sa'yo."
"A-Andrea..." Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Nanghihina na nga siya ay mas nanghina pa siya lalo sa mga pinagsasabi nito.
"Sinabi ng hindi ako si Andrea!" Singasing nito.
"Shit!" Napatayo na si Kendo at saka hinila sa braso si Andrea papalayo sa kaniya. "Ano bang nangyayari ha?!" Angil ng lalaki dito.
"At ikaw Kendo?! Nakilala kita ng mga panahong kailangan ko ng makakapitan. Totoo naman ang pagkakakilala mo sakin, oh well... I really enjoy your company." Ngumisi nang nakakaloko si Andrea.
Nakamasid lang naman ang naguguluhang si Usha. Ni hindi niya magawang kumilos dahil sa pagkalito. Nananaginip lang ba siya? At ano ang sinasabi nitong patay na ang kapatid niya?
"So?" Umarko ang kilay ni Kendo.
Tiningnan siya ni Andrea. "I am Zamantha. The Zamantha Meneses na ninakawan mo ng coffee back then my dear class mate. Sana naman ay naaalala mo na..."
Lalo siyang napaluha. Hindi siya ganoon katanga para di maunawaan ang lahat... Siguro nga'y naging tanga siya dahil nagpalinlang siya ... pero ngayon... alam niya na ang mga sinasabi nito. "K-Kaya pala pamilyar ang..." Nakagat niya ang ibaba ng nanginginig niyang labi.
Umingos ito. "Oh cut that! So hindi talaga lukso ng dugo or whatever okay?"
"B-Bakit mo ito ginawa?!" Nangangatal ang mga labing tanong niya rito.
"Because I hate you! I fvcking hate you Jerusha!" Naging mabagsik ang mukha nito.
"Zamantha..." Bakit ganoon? Niloko siya nito pero wala siyang makapang galit para sa babaeng nagpanggap na kapatid niya.
Masama ang tingin sa kaniya ni Andrea o Zamantha. "All my life... nabuhay ako sa lungkot at pagpapanggap! Alam ko, hindi kita dapat sisihin... Pero wala akong choice! Gusto kitang sisihin! Gusto kitang bawian!!!"
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Si Eos! Siya na lang ang pagasa ng mga taong umampon sakin! Siya na lang! Buo na ang plano... Bata palang ako ay pinapangarap ko na ang katuparan ng planong iyon..." Ang matigas at mabagsik na boses nito ay nasalimbayan ng poot at pait.
Si Kendo naman ay nakasandal lamang sa dingding at tila nanonood ng isang drama sa TV.
"Mahal ko siya noon pa... Umaasa kong kapag kami ang nagkatuluyan ay matatakasan ko na ang kalbaryo ko sa piling ng pekeng mag-asawang umampon sa akin!" Dinuro siya ni Zamantha.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomantikNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.
